"Can we drop my things first at home? And I have these two puppies for Kelly and Micah. Is it okay to bring them there?" Tanong niya sa kapatid, sabay turo sa dalawang aso na ipinasok niya sa loob ng sasakyan. "And I have lots of stuff, pasalubong ko sa inyo." "Oh my, Ynah! Sa sobrang excitement ko, hindi na namalayan na may mga dala kang puppies! Matutuwa ang mga pamangkin mo nito!" Agad na nilapitan nito ang mga dala niyang aso. "Ang gaganda! Dalhin natin sila!" Tila nais na nitong buksan ang pintuan ng kulungan upang mahawakan ang mga aso. "I will call Kits," magilis itong nag-dal pagkakuha ng mobile sa bag. "Yes! She's here!" Iniabot nito sa kanya ang hawak na mobile. "Hi, Ate Kits!" Masayang bati niya dito. "Yes, okay naman ang biyahe." Sinenyasan sila ng ina na pumasok

