Nasa labas siya ng bahay nila at nakatingala sa mga bituin sa langit. Tingin niya ay hindi uulan dahil napakaliwanag ng kalangitan dahil sa nakasabog na mumunting kumikinang na tila buhangin dito. Napangiti siya ngunit hindi rin niya maiwasang hindi malungkot. Kanina lang ay natanggap niya ang acceptance letter galing sa Oxford University. That was her dream school, and she strives to study every single day for her to be able to qualify in that school. She also applied for a scholarship at Villaluz Foundation, so she will not pay a penny until she finishes school. "Ang ganda ng langit," napatingin siya sa kanyang Mommy Jean na kalalabas lang mula sa bahay. Naupo ito sa bangko na kinauupuan din niya. "Hindi uulan ngayon. Buti na lang at hindi maalinsangan." Itinaas niya ang su

