Sa mansyon ng mag-asawang Gwain at Kits sila natulog dahil kinabukasan na ang alis nila papuntang London. Kararating lang din ng mag-asawa galing sa Palawan upang ayusin ang mga maiiwan doon. Dalawang linggo kasing mawawala si Gwain kaya kailangang maihabilin ng maayos sa mga tauhan ang lahat. Buti na lang at wala itong manganganak na mga alagang hayop kaya mas maluwag ang pag-alis ng bayaw niya. Nagdala ang mga ito nang ilang kaing ng manggang hilaw. Naihingi na iyon ng permit sa Customs dahil ine-export naman talaga ang mga iyon. Nalaman niyang ginagamit din pala iyon sa restaurant ng ina ng kanyang bayaw kung saan siya mamamasukan. Pina-double check ni Kits lahat ng mga kailangan niyang dalhin. Mula sa mga dokumento niya sa eskwelahan, passport, id's hanggang sa closet ni Louise

