Nang makalapag sila ng London, mula pa lang sa hangar ay sinundo na sila ng napakagarang kotse na hindi niya alam kung anong model. "My family is already waiting for us," nakangiting balita sa kanila si Gwain. "And I am glad that even my father spare some of his time to come here." "Wow naman! Paka-special mo, Ynah, ha! Iba ka! May red carpet!" Bulalas ni Shanz. "Ang ingay mo," saway niya dito. Ang totoo ay nahihiya siya sa pagsalubong na iyon ng buong pamilyang Villaluz. "Nakakahiya, Kuya Gwain." Alam niyang namumula ang kanyang mukha dahil nag-iinit ang pisngi niya. Natawa ito. "Anong nakakahiya doon? Reunion na din ng buong family ito. We hardly see each other at least ngayon, there is more reason for us to be together." "Is Eric coming?" Tanong ni Louise sa kapatid.

