Pinili ko na kalimutan na lang si Christian. Kahit na nasasaktan pa rin ako, pinipilit ko pa rin na maging masaya. Hindi na ako aasa at magtatanong kung ano nga ba ang nangyari sa amin. Malinaw na tapos na kami… tinapos na niya ang lahat sa pagitan namin. Makakalimutan ko rin siya pagdating ng tamang panahon. Tutulungan ko ang sarili ko na mabuo ulit. At, pagdating ng araw na yun, magagawa ko na ulit ngumiti ng totoo. Magagawa ko na ulit magmahal ng iba. Habang naglalakad ako ay may sasakyan na tumigil sa aking harapan. Kumunot ang aking noo. Bumukas ang pintuan at may babaeng bumaba. Nanlaki ang mga mata ko at napangiti. "Ate Erin!" masayang sabi ko. Nakakatuwa naman na makita siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Sunod na bumaba si sir Patrick sa sasakyan. Lumapit sa akin si ate Erin

