Iminulat ko ang mga mata ko. Nasa lugar ako na hindi pamilyar sa akin, pero alam ko kung saan ito. Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Ryan na seryoso ang tingin sa akin. Unti unti kong inalala ang lahat bago ako mawalan ng malay. Ang resulta... Pinilit kong umupo ngunit hindi ko nagawa. Nanghihina pa rin ako. Tiningnan kong muli si Ryan at unti uni niyang itinaas ang kanyang hawak. Bumilis ang t***k ng puso ko. Natatakot ako sa maaari niyang isipin. "Ano ito? Bakit may ganito ka?" tanong niya. Mahina ang tono ng kanyang boses ngunit may diin sa bawat salita. "W-wala," mahinang sabi ko, sabay iwas ng tingin. "Put—" ginulo niya ang kanyang buhok habang hawak pa rin ang resulta pregnancy kit. "Sagutin mo ng maayos ang tanong ko, Hazel!" lumakas ang boses niya na siyang ikinagulat ko.

