Naging mas masaya pa ang mga sumunod na araw namin ni Christian. Pinagdarasal ko na sana ay huwag nang matapos ang mga masasayang araw namin. Nagiging sandalan namin ang isa't isa. Pakiramdam ko, kapag kasama ko siya, nasa pinaka ligtas na lugar ako. Wala akong pangamba. Habang hinihintay ko siyang umuwi galing trabaho ay naisipan kong maghanda na ng hapunan namin. Sabado na ngayon at bukas ay wala siyang trabaho. Magsisimba kaming dalawa. Napangiti ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Tinignan ko ang kabuuan ng mesa, maayos na lahat. Agad akong nagtungo sa sala para salubungin si Christian. "Hi!" masayang bati ko. Sinalubong ko siya ng yakap. Napangiti naman siya at sinuklian din ako ng mas mahigpit na yakap. "I missed you, angel." Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Pinagluto

