"My beautiful angel…" halos mapasinghap ako nang bigla akong yakapin ni Christian mula sa likuran. Kanina pa ako nakatayo dito sa harapan ng salamin. Siguro nainip na siya sa kahihintay sa akin kaya pumasok na sya dito sa loob. Hinawakan ko ang kamay niya habang tinitingnan ko ang repleksyon naming dalawa sa salamin. "Kinakabahan ako," mahinang sambit ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Don't worry. Mabait sila. Sigurado ako na magugustuhan ka nila para sa akin." Kinagat ko ng kaunti ang labi ko bago magsalita ulit. "Pero—" Lahat ng salita na gusto kong sabihin ay tila nawala na lang nang idampi ni Christian ang kanyang labi sa aking leeg. Nanghina ako kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay na nasa tiyan ko

