Nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago bumalik sa kinauupuan namin. Ilang minuto lang ata ang lumipas at bumalik na rin si Christian at Vanessa, na para bang walang nangyari. Normal ang bawat galaw nila. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili para hindi mapansin ni Christian na may alam ako. Tumabi ulit siya sa akin at hinapit ang baywang ko. Napatingin si Vanessa sa amin si ngunit mabilis siyang yumuko at bumaling na lang sa katabi niya. "Uwi na tayo?" aya niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Habang nasa byahe kami, hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga pinag-usapan nila ni Vanessa. Paulit ulit na naglalaro ang mga iyon sa isip ko. Naiintindihan ko na. Meron silang nakaraan. Iniwan ni Christian si Vanessa dahil nakilala niya si ate Erin. Naninikip na naman ang dibdib k

