Wala sa tabi ko si Christian nang magising ako kinaumagahan. Umupo ako at hindi ininda ang sakit ng katawan ko. Hinanap ko ang aking underwear at isinuot ‘yun. Hinanap ko rin ang dress ko ngunit hindi ko ito makita. Hindi ko alam kung saan na nga ba tinapon ni Christian ‘yun kagabi. Kaya naman tumungo na lang ako sa closet niya at kumuha ng isang itim na t-shirt para may maisuot. Dahil maliit lang ako at sobrang tangkad ni Christian, nagmistulang bestida ang damit niya sa ‘kin. Naghilamos na rin muna ako bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko, naabutan ko si Christian na nagluluto. Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. Naibigay ko na lahat kay sa kanya. Lahat ng meron ako ay nakuha na niya. Siya ang una… at umaasa ako na siya na rin ang huling lalaki sa buhay ko. Napalingon s

