Fit
After a successful collaboration with Faceline, mas lalo akong naging abala. The pressure to maintain excellence grew tenfold. Hindi sapat ang salitang "successful" kung walang konkretong resulta. We had to prove that the partnership wasn't just hype—it had to echo in numbers, in buzz, in reputation.
We're in another meeting. Another round of decisions. Another day of pretending I'm not overwhelmed.
"Miss Zionne," tawag ni Liza, isa sa mga junior marketing officers, "sa tingin niyo po ba kailangan natin ng artista for the face of Faceline? Or kahit influencer lang po? Medyo malaki tf kapag sikat ang kukunin natin, pero at the same time, mas malawak ang naaabot na audience lalo na kung trending."
Tumango ako habang nakatingin sa laptop screen. My mind is split—half on this meeting, half on the mental list of wedding-related things I haven't finished.
"Maganda 'yan," I replied professionally, my voice steady. "Pero hindi lang basta sikat, we need someone with a clean image. 'Yung may credibility sa skincare and wellness, para hindi rin mawala 'yung premium identity ng brand."
"I suggest to get a rising star," Anton chimed in. "Yung may malaking engagement sa t****k and IG. We're on a new era, where people are more engaged in social media than TV."
"That's true," I nodded, resisting the urge to check the group chat with the wedding coordinator. Gown fitting is tomorrow. Didn't I already approve the final sketch? Bakit parang may mali pa rin?
"Sa tingin niyo, Miss Zionne, sa content creator ba tayo o sa isang sikat na artista?" someone else asked.
"Whoever is possible," I replied, keeping my tone sharp and composed. "Maganda siguro kung gumawa muna kayo ng shortlist. Search for who's trending—pero with good publicity. I want options, not scandals."
"Noted po, Ma'am."
"Mayroon pa ba?" tanong ko, trying not to sound too eager to end the meeting.
"For now, wala na po, Ma'am."
"Okay. Meeting adjourned."
"Miss Zionne, mayroon po pala akong ipapapirmahan sa inyo na mga documents po." Ani ni Carla habang papalapit, may hawak na brown envelope.
Pabalik na ako sa office ko noon, kaya tumango lang ako habang abala sa pag-check ng schedules sa aking tablet. May gown fitting ako mamayang 4:30 PM. Kailangan matapos ko na lahat ng trabaho bago mag-4... ayokong magmukhang aburido habang sinusukat ang isusuot kong damit sa... kasal.
"Carla, can you clear my schedules starting today? After 3 PM, dapat wala na akong meeting. May importante kasi akong ginagawa ngayon."
Agad siyang natigilan. Napatigil din siya sa pag-abot ng envelope, parang may narinig na hindi inaasahan.
"Miss... mag-aasawa na po ba kayo?"
Bigla akong napatigil. Hindi ko alam kung dahil sa tanong niya o dahil parang may tumusok sa dibdib ko. Napalunok ako. Ang bilis naman... paano niya nalaman?
"Huh? How did you know?" tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong tono.
"Hindi ko po alam, Miss. Nagtatanong lang po ako. Pero totoo po ba? Magpapakasal na kayo? Pero wala po kayong boyfriend, paano po kayo magpapakasal?"
Sunod-sunod na tanong niya. Parang sunod-sunod ding kumatok ang bawat salita sa isipan ko. Wala na akong kawala. Paano ko nga ba ipapaliwanag ang isang bagay na hindi ko rin lubos na maintindihan minsan?
Tahimik akong lumingon sa kanya. Tinapik ko ang braso niya at ginaya siya papasok sa loob ng opisina ko. I closed the door behind us. This wasn't something I wanted anyone else to hear.
Hindi na rin iba sa akin si Carla. Sa halos tatlong taon naming magkasama bilang executive assistant, alam kong isa siya sa iilang tao sa opisina na hindi marunong magkalat ng tsismis.
Umupo ako sa harap ng desk, habang siya naman ay tahimik na nakatayo, hawak pa rin ang envelope.
"It was an arrangement, Carla."
Nanlaki ang mata niya. "Arranged marriage?"
Tumango ako. Tumitig ako sa kawalan, pilit inaalala kung kailan nagsimula ang lahat ng ito. At bakit, sa kabila ng lahat, pumayag akong muli siyang mapasok sa mundo ko?
"Bakit po kayo mag-aarrange marriage eh ang bata niyo pa? You can date any man you want. Ang ganda niyo po, ang successful—lahat po ng lalaki gugustuhin kayong ligawan."
Napangiti ako ng pilit. Kung ganoon lang sana kadali 'yun... kung ang puso ko lang sana ay marunong pumili ng iba.
Umiling ako habang pinipigil ang biglang pagtulo ng luha. Hindi ako iyakin, pero sa tuwing siya ang naiisip ko... may kung anong sumasakal sa dibdib ko.
"I loved him, Carla."
Nagkatinginan kami. Kita ko ang gulat sa mga mata niya, parang hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa, kiligin, o malungkot para sa akin.
"Di nga, Miss? Totoo po?" mahina niyang tanong, halos pabulong.
Tumango akong muli, this time with more conviction.
"I loved him since I was 15." I paused. Since I was just a girl with too many dreams and not enough courage to say them out loud.
Huminga ako nang malalim, pinilit ang isang mapait na ngiti.
"He was my first love... and maybe, just maybe, he'll be my last."
Tahimik si Carla. Hindi siya umiimik, pero ramdam ko ang pag-unawa sa mga mata niya. Seryoso ang mukha niya ngayon. Wala na ang dating madaldal at curious na Carla — kaharap ko ngayon ay isang kaibigang handang makinig.
"Miss... masaya po ba kayo sa desisyon niyo?" tanong niya, mahina at may halong pag-aalala.
Hindi ako agad nakasagot. Tumitig lang ako sa wedding folder sa gilid ng mesa — pangalan ko at ng lalaking minahal ko sa loob ng mahigit sampung taon, nakasulat sa gintong tinta.
Masaya ba ako? Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ko: handa akong harapin ang sakit, basta't siya ang kasama ko.
"I don't know yet..." sagot ko sa wakas, mahina pero tapat. "Pero sa ngayon, ito ang pinili ko. At paninindigan ko."
Tahimik lang si Carla, pero ramdam ko pa rin ang tanong sa mga mata niya. Kaya kahit hindi niya sabihin, idinugtong ko na rin ang kulang sa kwento.
"Ayoko nang hintayin pa siyang piliin ako." Mahina kong bulong. "This time, I chose him. Even if it meant choosing pain, too."
Napayuko si Carla, saka marahang tumango.
"Naiintindihan ko na po, Miss. Basta kung kailangan niyo po ng tulong... kahit moral support lang, andito lang ako."
Ngumiti ako, this time mas totoo. I've been carrying this story alone for too long... maybe it's time to let a few people in.
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, kumatok ang isang staff sa pintuan.
Tok tok tok.
Bumukas ito nang marahan at sumilip ang isa sa mga interns.
"Miss Zionne? May naghihintay po sa inyo sa baba. Para po sa gown fitting niyo raw." medyo nahihiya niyang sabi habang pinipigil ang pagkakakilig — obvious na first time niyang makita akong ganito kaseryoso.
"Ah, oo. Thank you. Sabihin mong bababa na ako."
Tumango siya agad at umalis. Binalingan ko si Carla.
"I'll finish signing those documents later. Pwede mo munang i-hold."
"Noted po, Miss. Good luck po sa fitting." Saka siya ngumiti, this time parang may kilig na rin sa mukha niya.
Pagbaba ko ng lobby, ramdam ko agad ang katahimikan. Halos walang tao. Siguro dahil office hours pa. Pero kahit may katahimikan sa paligid, sa loob ko, ang ingay.
Ang bigat.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yong kaba. Pero naroon siya—buo, matalim, parang may hinihintay ako na hindi ko naman maintindihan.
Paglabas ko ng building, doon ko siya nakita.
Isang white Toyota Land Cruiser. At sa tabi nito, si Ellison. Nakatayo, nakahalukipkip ang braso, at nakasuot ng sunglasses. Hindi ko makita ang mata niya. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan niya o wala lang talaga siyang pakialam.
Napakapit ako sa bag ko.
Mini skirt. Sleeveless top. Wala akong suot na blazer—naiwan sa opisina. Hindi ko rin nakuha ang coat ko. Sa dami ng iniisip ko, bag lang pala ang nadampot ko. Ngayon, sa harap niya, pakiramdam ko ang liit-liit ko.
Bakit siya andito? Hindi ba may trabaho siya ngayon? Hindi ba dapat hindi siya ang susundo?
Lumapit ako sa kanya, pilit pinapanatag ang sarili ko, pero bago pa ako makapagsalita, bigla niyang hinubad ang suot niyang coat at ibinalot iyon sa akin.
Napatigil ako.
"Why are you wearing very short clothes?" malamig ang tanong niya. "Hindi ba malamig sa office mo?"
Malamig ang boses niya. Prangka. Walang emosyon.
Halos hindi ako makakilos. Wala pa akong nasasabi pero para bang pinagsabihan na ako. Hindi ko alam kung aaminin kong giniginaw na talaga ako o kung magtatanong kung anong ginagawa niya rito.
Binuksan niya ang passenger seat. Sumunod ako. Walang tanong. Walang tugon. Umupo ako, at kasabay niyon, pumasok na rin siya sa driver's seat.
Ang amoy ng coat niya, malinis. Subtle pero may presence. Parang siya.
Tahimik sa loob ng sasakyan. Pero sa loob ko, hindi. Mabigat. Malabo. Magulo.
"Bakit ikaw yung andito?" tanong ko, tahimik pero may bigat sa boses. "Hindi ba may project kayong tinatapos ngayon?"
"Tapós na," maikling sagot niya. "Busy si Mommy kaya ako ang nandito."
Ganun lang. Wala nang dagdag. Wala man lang pakiramdam sa tono niya.
This was the first time kaming dalawa lang. Walang ibang kasama. Walang ibang mata. Walang audience. At sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa... o mas matakot.
Napatingin ako sa loob ng sasakyan niya. Maayos. Walang bahid ng kalat. May mga naka-roll na project plans sa likod. Halatang may ibang mundo siyang ginagalawan—isang mundong hindi ako sigurado kung may lugar ako.
"Hindi mo naman kailangan samahan ako," mahinang sabi ko. "Kaya ko namang pumunta mag-isa."
Tahimik siya ng ilang segundo bago sumagot.
"It's my duty, Zionne," marahan pero matatag ang boses niya. "Kahit ayaw kong pakasalan ka, responsibility kong gampanan kung anong gusto nila."
Para akong sinuntok sa dibdib. Hindi siya sumigaw. Hindi niya ako sinaktan. Pero masakit.
Ramdam ko sa bawat salita na wala akong puwang sa mundong ginagalawan niya—na isa lang akong obligasyon.
Alam ko naman. Hindi na bago sa akin. Pero bakit parang ang sakit pa rin?
"I'm not your responsibility, Ellison," sagot ko, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. "Wala kang kailangang panindigan para sa akin."
"Sayo, wala," sabi niya. "Pero sa pamilya ko, meron."
Tumawa ako. Hindi dahil sa tuwa. Kundi dahil mas madali 'yong tumawa kaysa masaktan.
"Ah," mahina kong sambit. "Dahil sa pangalan. Dahil sa kumpanya. Dahil sa kung anong iiwan sa'yo kapag sumunod ka sa kanila."
Tumahimik siya.
"Yun lang naman talaga 'di ba?" dagdag ko. "You're doing all of this because of what you'll get. What you'll inherit. Hindi ako ang pinili mo—ako ang kabayaran."
Biglang huminto ang sasakyan.
Napalingon ako sa kanya. Tinanggal niya ang sunglasses niya. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang mga mata niya—galit. Malalim. Umiinit.
"Sa tingin mo ba ginagawa ko 'to dahil lang sa pamana?" tanong niya, mababa ang boses pero matalim. "You really think I can't make something of my life without them? You don't know anything about me, Zionne. Kaya huwag kang umasta na parang kilala mo ako."
Tahimik ako.
Hindi dahil wala akong sagot, kundi dahil alam kong totoo ang sinabi niya.
Hindi ko siya kilala.
At hindi niya rin ako kilala.
Pinaandar niya muli ang sasakyan. Walang ibang salitang lumabas sa pagitan namin. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad.
At doon ko napagtanto...
We are driving toward a future neither of us asked for.
And right now, we are just two strangers, sitting in the same car, heading to the same destination—but carrying two very different hearts.
Walang salita ang lumabas sa bibig namin habang tinatahak ni Ellison ang daan. Tahimik lang siyang nagmamaneho, at ako naman, nakatingin sa labas ng bintana—pinapanood ang pagdaan ng mga gusali, ng mga taong may sariling mga buhay, malaya.
Samantalang ako... nakasakay sa direksyon na hindi ko pinili.
Gown fitting.
Para saan? Para sa kasalang hindi naman pinangarap. Para sa papel na kailangang gampanan, hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil sa utos.
Sa gilid ng mata ko, kita ko ang tikas ni Ellison habang nagmamaneho. Tahimik. Hindi nagrereklamo. Pero hindi rin nagpapakita ng kahit anong pakialam. Parang trabaho lang. Parang isa lang akong checklist na kailangan niyang tapusin bago matapos ang araw.
Gusto ko siyang tanungin—kung bakit ba talaga siya sumunod. Kung bakit siya nandito. Kung may bahagya bang pag-aalala sa kung anong nararamdaman ko. Pero natatakot ako sa isasagot niya. Baka sa isang salita lang niya, tuluyan na akong mabasag.
"I still don't understand why you're doing this," mahina kong sambit. Hindi ko siya tinitingnan. Boses ko lang ang gumalaw sa pagitan naming katahimikan. "You don't even want to marry me."
Hindi siya sumagot agad. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.
"I don't," tapat niyang sagot.
Parang may humigpit sa dibdib ko. At kahit handa naman akong marinig iyon, masakit pa rin. Hindi naman kasi kailanman naging madali ang tanggaping hindi ikaw ang pinili.
"Kaya sana hindi mo na kailangang sumama sa mga bagay na ganito. You don't owe me anything, Ellison."
"Hindi ikaw ang may utang na loob sa akin," sabi niya, malamig pero diretso. "Ang pamilya ko ang may utang sa sarili nilang pangalan. I was raised to protect that name. This engagement—this marriage—is part of it."
So that's all I am. A tool to protect a name.
Tumango lang ako, pilit na kinokontrol ang sarili ko. Walang luha. Walang galit. Pero sa loob, isa-isa akong gumuho.
Nang makarating kami sa boutique, agad siyang bumaba at binuksan ang pinto sa gilid ko. Formal. Maayos. Walang bahid ng lambing.
Bumaba ako, suot pa rin ang coat niya. Tahimik pa rin kaming pumasok sa loob ng high-end bridal shop. Agad kaming sinalubong ng coordinator—nakangiti, masigla, clueless sa tension sa pagitan namin.
"Good afternoon, Mr. and Mrs.—I mean, soon-to-be Mrs. Guzon! Please come in. We have the designs you approved, and we'll begin with the fitting right away."
I smiled faintly. A name I will carry. But will never fully own.
Pumasok ako sa fitting room. Naiwan si Ellison sa lounge area, hawak ang telepono, pero wala ring ginagawa. Tahimik lang siyang nakaupo, parang naroon lang ang katawan niya, pero wala talaga siya sa lugar.
Nang sinimulan kong suotin ang una sa mga gown, hindi ko mapigilang mapatingin sa sarili ko sa salamin.
Maganda ang gown. Elegant. Perpekto ang pagkakatahi. Parang ako—pinilit maging perpekto. Panlabas lang.
But what's the point of wearing a beautiful gown... if you're walking down the aisle alone—emotionally alone?
Napansin ng coordinator na tahimik lang ako.
"Miss Zionne, okay lang po ba ang fit? Do you want Mr. Ellison to come and see?"
Do I want him to see? Do I even want him here?
"I'll call him," sabi niya bago ko pa nasagot.
Ilang saglit lang, bumukas ang kurtina.
Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ko. Nakatitig. Tahimik. Walang reaksyon sa mukha.
Hindi ko alam kung gusto ko bang marinig kung anong iniisip niya... o kung mas pipiliin ko nalang ang katahimikan niya, para hindi na masaktan pa.
"Okay lang ba?" tanong ng coordinator sa kanya. "She looks stunning, doesn't she?"
Nagtagpo ang mga mata namin.
At sa mga matang iyon... wala pa ring sagot.
Wala pa ring pagpili.
Wala pa ring ako.
Nakatingin lang siya.
Hindi ko alam kung tinitingnan ba niya talaga ako, o kung iniisip niya lang kung anong oras matatapos lahat ng ito. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatingin ng diretso. Hindi ko rin alam kung anong reaksyon ang hinahanap ko mula sa kanya.
Sabi nila, kapag nakita ka ng taong mahal mo habang suot mo ang wedding gown mo, may kakaibang ilaw daw sa mga mata nila. Yung para bang nakita ka nila sa paraang hindi pa nila kailanman nakita noon. Yung para bang, sa wakas... ikaw ang tahanan nila.
Pero kay Ellison... wala.
Walang ilaw. Walang emosyon. Wala kahit kapirasong pagdampi ng damdamin.
Tahimik lang siyang nakatayo roon. Parang bahagi lang siya ng background. Parang hindi ako ang babae sa harap niya. Hindi ako ang babaeng papakasalan niya.
"Would you like to try the next design, Miss Zionne?" tanong ng coordinator, may ngiting propesyonal.
Tumango ako. Tahimik. Walang gana. Parang kahit gaano kaganda pa ang susunod na gown, wala na akong gana isuot ito.
Pumasok muli ako sa fitting room. At doon, nang ako na lang ang naroon, saka ko naramdaman ang lahat.
Yung bigat. Yung kirot. Yung tahimik na pagsuko.
Inihiga ko ang kamay ko sa dibdib ko. Pinikit ang mga mata. Huminga ng malalim. Bakit ba ako umaasa?
Bakit kahit alam kong wala siyang nararamdaman, gusto ko pa ring maniwala na baka sakali... baka sakali lang... matutong tumibok ang puso niya para sa'kin?
Hinawakan ko ang laylayan ng damit. Ginilid ko ang luha bago pa man tumulo. Hindi ito ang lugar para maramdaman ang kahinaan. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong umaasang maganda ang kinalalabasan ng 'fairytale' na ito.
Pero ito nga ba ang fairytale?
O isa lang itong kasunduan na pininturahan ng puti?
Paglabas ko muli, suot na ang pangalawang gown, naroon pa rin siya. Nakatayo. Tahimik. Matikas. Maayos ang postura. Parang wala pa ring nabago. Parang hindi siya naapektuhan. Parang wala akong kahulugan.
And yet... I still looked for something in his eyes.
I'm so tired of waiting for something that was never promised.
"Looks even better than the first one," sabi ng coordinator. "I think this could be the final one. What do you think, Mr. Ellison?"
Tahimik.
Tumango lang siya. Just a nod. Walang salita. Walang kahit anong clue kung nagustuhan ba niya talaga. Wala akong naramdaman.
At doon ko na-realize...
I could wear the most expensive gown in the world, and I still wouldn't feel beautiful—not in front of a man who doesn't see me.
Pagkatapos ng fitting, binigyan ako ng assistant ng robe para makapagpalit. Dali-dali akong pumasok sa private room, kinuha ang telepono ko at umupo sa gilid.
Nag-type ako ng message kay Mama.
Me: Tapos na po ang fitting.
Tiningnan ko ito ng matagal bago ko pinindot ang send. Gusto ko sanang idagdag:
"Hindi ko alam kung kakayanin ko."
Pero hindi ko na sinabi.
Pinili kong lunukin na lang ulit ang sakit.
Pagbalik ko sa lounge area, naroon pa rin si Ellison. Nakatayo, hawak ang coat niya na kanina'y nakaakbay sa akin. Ngayon, nakatiklop na iyon sa braso niya. Parang lahat ng effort niya kanina—wala na ulit.
"Ready to go?" malamig niyang tanong.
Tumango lang ako.
Hindi ko alam kung saan patungo ang sasakyan niya ngayon. Pero isa lang ang malinaw sa akin:
We may be heading toward a wedding...
...but we're not building a marriage.