( Chapter 58 - Bakit ang suwerte ko? ) Red's POV Narito na ako ngayon sa kanto ng street namin. Naka-white polo shirt ako at fit na maong na pantalon. Guwapong-guwapo ako ngayon sa sarili ko. Mas lalong lumalabas ang pagiging matipuno ko kapag fit ang mga suot ko. Kanina nga habang naglalakad ako ay patingin-tingin sa akin ang mga kababaihan at pati na rin ang mga bakla na dati ay mga ka-close ko. Ay ilang sa kanila ay kakilala pa ako pero ang iba ay hindi na. Ganoon pa man ay kahit alam nilang dati ako bakla ay iba na ang tingin nila sa akin. Tahimik na lang sila. Siguro ay lalaki na ang tingin nila sa akin dahil kahit ang paglalakad at pagsasalita ko ay ibang-iba na rin. On the way na si Blue dahil nag-message na ako sa kaniya na narito na ako. Hindi pa man nag-iinit ang mga paa ko s

