( Chapter 57 - Ang mga lalaki sa buhay ni Blue) Blue's POV Maaga akong pumunta sa Korean Restaurant ko. Gusto kong tignan ang lagay ngayon ng restaurant ko. Nitong nagdaang mga linggo ay hindi ako kasi ako nagpupunta sa restaurant ko dahil sa nangyaring kasiraan sa amin. Nagulat pa nga ang mga tauhan ko nang makita nilang pumunta ako roon at saka pumasok sa office ko. Mabuti na lang at pagpasok ko roon ay malinis ang lahat. Mukhang kahit wala ako rito ay may naglilinis pa rin ng lamesa at upuan ko dahil wala manlang mga alikabok doon. Pumasok bigla si Crispin sa office ko. "Good morning po, Sir Blue," bati niya sa akin. Ang cute niya talaga kapag wet look. Bagong ligo siya dahil umaga pa lang. Bagay na bagay sa kaniya ang uniform na sinadyang kong fit sa katawan niya para makita ko kun

