( Chapter 78 - Magtitiis na lang ako dahil gusto at mahal ko siya ) Blue's POV Madaling araw na nang makarating kami sa Baguio. Tulog na tulog si Red dahil binusog ko siya kanina nang huminto kami sa isang japan restaurant na nadaanan namin. At dahil 2 AM pa lang ng madaling araw ay doon na ako nakakuha ng tiyempo para makatulog naman. Sa mismong malapit sa Burham Park ko hininto ang sasakyan ko. Pinatay ko ang makina at aircon at saka ko binuksan ang dalawang bintana. Sinalubong ang balat ko ng malamig na panahon. Iton iyong na-miss ko sa Baguio. Bago ako tuluyang natulog ay tinabi ko na munang mabuti ang wallet at mga things namin na mahalaga. Mahirap na, baka madukutan kami. Bandang 7 nang umaga nang ako'y tapikin ni Red. Nakita kong nakayakap ito sa sarili niya habang nanginginig pa

