( Chapter 79 - Exciting ito ) Red's POV Mga outfit na panlamig ang kailangan ko kaya sinuyod ko ang mga clothing brand na mayroon doon. Nakarating ako sa men's wear. May iilan ding namimili roon. Karamihan ay tila may kaya o masasabi mong mayaman talaga dahil sa damit, galaw at pagsasalita. Ginamit ko roon ang mga natutunan ko sa mga pinapanuod kong movie. Hindi ako nagpahalatang kilos inusente ko. Pumili ako roon ng isang puting plain na t-shirt. May nakita kasi akong itim na leather jacket. Balak ko iyong i-partner sa nakita ko rin maong na pantalon na itim din ang kulay. Madalang man akong pumorma na parang sosyal ay masasabi ko namang hindi ako jologs pumorma. "Hey, bro!" bati sa akin ng isang lalaki. Blue ang mata niya. Mukhang may lahi. Kinabahan ako dahil baka magtanong siya sa

