( Chapter 22 - Spicy ) Red's POV Mag-isa lang ako ngayon sa condo ni Blue. Umalis ito saglit dahil may kakausapin daw siyang mahalagang tao. Kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin. Ayoko sanang ugasan iyon dahil hindi pa ako nakakatulog dito sa condo niya. Ang kasabihan kasi ng mga matatanda ay bawal daw mag-ugas ng mga pinggan sa ibang bahay kapag hindi ka pa raw nakakatulog sa bahay na iyon. Hindi naman ako nakatanggi sa utos ni Blue dahil nahihiya rin ako. Dito na nga ako naghapuan at matutulog hindi ko pa magawa ang simpleng pag-uugas lang ng pinggan. Baka, isipin pa niyang tamad ako kaya ako na ang nagligpit at naglinis sa lahat. Narito ako sa sofa. Nakatulala habang nagpapababa nang kabusugan. Gago kasi ang Blue na 'yun. Pinaubos niya sa akin lahat ang mga niluto niya. Su

