( Chapter 31 - Miss me? ) Red's POV Nagpunta ako sa gym para magpa-member. Tiyak kasi na magtatagal ako roon kaya nagpa-member na ako. Ang balita ko kasi ay kapag member ka roon ay malaki ang bawas ng bayad. Pinakilala na rin ako sa mga magiging gym instructor ko. Lahat sil ay binigyan na rin ako ng tip para maging madali sa akin ang lahat kapag nagsimula na akong magpalaki ng katawan. Natatawa nga ako sa sarili ko e. Pilit kong pinapatigas ang boses ko para hindi nila mahalata na bakla ako. Oo, simula rin ngayon ay pipilitin kong kumilos at magsalita biglang lalaki na. Ito ay para masanay na rin ako kapag nagsisimula na akong maghiganti kay Blue. Pagkatapos kong pumunta sa gym ay tumuloy ako sa beauty salon ni Madam Nixie. Gulat na gulat silang lahat nang makita ako. Unang lumapit sa

