( Chapter 76 - Ice cream ni Red ) Blue's POV "Nasaan ka na ba? Anong oras na ah?" galit na tanong sa akin sa kabilang linya ng mama ko. "Heto na po, paalis na ng condo. Naglinis pa po kasi ako at saka dumaan saglit sa korean restaurant ko. Bakit po ba nagmamadali kayo? Ano ba kasing mayroon sa bahay?" Ang weird lang. Kanina pa niya ako minamadaling pauwiin sa bahay. May gusto raw itong itanong sa akin e, puwede namang sa phone na lang sabihin. Kanina pa tuloy ako aligaga sa pagmamaneho. Saka pa sumabay ang traffic. May ginagawa na naman sigurong kalsada malapit sa Exequiel Street. "Ah, basta, bilisan mo na lang at mahalagang-mahalaga itong pag-uusapan natin." Agad na niyang pinatay ang linya niya matapos niya iyong sabihin. Dapat masaya lang ako ngayong araw dahil sa masaya naming bo

