( Chapter 75 - Lutang na lutang talaga ako ngayong araw ) Red's POV Nagising ako na nasa sofa ako. Papungay-pungay pa ang mata ko nang tignan ko si Blue na walang anumang saplot na suot habang natutulog. Dahil doon ay napatingin tuloy ako sa sarili ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong hindi naman ako nakahubo. Palpak na naman ako. Hindi ko nagawa ang plano kong pakantahin siya tungkol sa mga ginawa niya kay Pinky. Na-distract ako dahil sa pagkawala ng milyong-milyong pera ko. Naisip ko na hindi ko na muna puwedeng awayin ng ganoon kabilis si Red dahil plano ko na ring pumasok sa restaurant niya para magkaroon ako ng trabaho. Bonus na lang iyong mas lalo akong mapapalapit sa kaniya. Kumikita na ako, nagagawa ko pa iyong mga plano ko. Hindi na ako nagpaalam kay Blue na uu

