( Chapter 73 - Masaya siya. Masayang-masaya ) Red's POV "Kaya pa ba? Lasing ka na ata, ha?" tanong ni Blue na tila hindi pa tinatamaan ng alak. Nakapagtataka na hindi siya madaling malasing ngayon. Pakiramdam ko ay may dayaan na nangyayari. "Ayos pa ako. Susuko lang ako kapag nakita mo akong sumusuka na," sagot ko sa kaniya. Tumingin ako sa kamay niya habang nagsasalin ng alak sa glass ko. Pati ang pagsalin ng chaser ay tinignan ko rin. Nanlaki ang mata ko nang makita kong pati ang chaser ko ay nilalagyan din pala niya ng alak. "Hey! Madaya ka, Blue! Bakit pati chaser ko ay nilalagayan mo rin pala ng alak?" "Bakit? Ganiyan din naman ang ginagawa mo sa akin kagabi ah. Pati chaser ko ay may alak. Akala mo hindi ko iyon malalaman? Kaya naman pala may tama agad ako kagabi kahit kakaunti pa

