( Chapter 72 - Promise ko iyan sa sarili ko ) Blue's POV Hindi ko naman inaasahan na madadatnan kong naliligo sa banyo si Red. Hindi naka-lock ang pinto ng banyo kaya nang buksan ko iyon ay nakita ko ang walang saplot niyang katawan habang nakatapat sa shower. Napakagat labi ako kahit nakatalikod siya pa siya. Sobrang sexy talaga ng katawan niya. Ang pagkamoreno niya at ang mabalahibo niyang mga binti at hita ang nagpapadagdag guwapo sa kaniya. Pinoy na pinoy ang itsura niya, pero kung titignan ay para may lahi kung sa mukha naman ito titignan. "Naligo muna ako. Natapunan kasi ako ng suka kanina nang magsalin ako sa platito." Ang lakas ng pakiramdam niya. Kahit hindi niya nakikita na nakasilip ako sa likod ay alam niyang naroon ako "Pahiram na rin ng malalaking size na damit at boxer m

