Chapter 71

1346 Words

( Chapter 71 - Mukbang is real ) Blue's POV Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Pagdating ko kasi rito sa bahay nila Morales ay agad akong naaya ng mga pinsan ko na uminom. Natuwa na rin ako kagabi dahil nakita kong sumaya si Tita Ora. Niyakap ako nito kagabi nang makita niya ako. Nakita ko pa nga na nagising sa pagkakatulog si Morales. Tinignan niya kami ng mama niya at pagkatapos ay saka na ito umakyat sa kuwarto niya para matulog na. Dito ako nakatulog sa salas nila. Kasama ko rito ang mga pinsan namin babae at lalaki. Kadalasan, sila iyong hindi ko mga ka-close. Lasing na kasi sila nang madatnan ko kagabi kaya malalakas na ang loob nila na ayain at kausapin ako. Una akong nagising sa kanila. Bumangon ako para pumunta sa banyo. Nang papasok na ako roon ay naka-lock ang pinto. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD