Chapter 1 -Lovi-
Lovi's POV
Panay ang lingon ko sa paligid habang nakatayo sa tapat ng isang sikat na bar. Hindi ko alam kung sino ang may-ari nito at wala rin naman akong pakialam. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit narito ako ngayong gabi.
Ibebenta ko ang katawan ko.
Sa unang lalaking paparada ng sasakyan sa reserved parking lot sa harapan ko ay iaalok ko ang sarili ko.
Napapikit ako nang mariin habang pilit nilulunok ang namumuong bara sa lalamunan ko. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong gagawin ko ang isang bagay na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko. Pero kailangan ko ng pera. Kailangang maoperahan ang twelve-year-old kong kapatid matapos siyang sagasaan at takasan ng isang walang pusong taxi driver.
Nabalian siya ng buto sa kaliwang binti at ayon sa doktor, kapag hindi siya naoperahan agad ay posibleng lumala ang kondisyon niya. Ayokong isipin kung ano ang maaaring mangyari kapag hindi namin nahanap ang perang kailangan para sa operasyon niya.
Isang daang libong piso.
Napakalaking halaga para sa isang katulad kong walang ibang mapagkukuhanan. Pero gagawin ko ang lahat mapagamot ko lamang ang kapatid ko. Napakabata pa niya para maranasan ang ganitong kalupitan ng mundo.
Hindi naman nagtagal ay isang magarang itim na sasakyan ang pumarada sa reserved parking lot. Hindi maayos ang pagkakaparada nito, pero ni hindi man lang ito sinita ng guard.
Biglang kumabog nang malakas ang puso ko.
Ito na ba?
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang hinihintay kong bumukas ang pinto ng sasakyan.
Pero biglang nanginig ang mga binti ko sa takot. Gusto kong tumakbo. Gusto kong kalimutan ang plano kong ito at umuwi na lamang, pero sa tuwing pumapasok sa isip ko ang kapatid kong nakahiga sa hospital ay parang may humihila sa mga paa ko para manatili. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ng doktor na baka maputulan ito ng isang paa kung hindi ito maaagapan.
Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto at isang gwapong lalaki ang iniluwa ng sasakyan.
Parang biglang nag-slow motion sa paningin ko ang lahat habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad patungo sa entrance ng club.
Napakakisig niya. Pangahan ang kaniyang mukha na binagayan ng makakapal na kilay, mapipilantik na pilikmata at napakatangos na ilong. Ngunit higit sa lahat, ang bilugan niyang mga matang nagkukulay berde ang agad na nakakuha ng atensyon ko. Maganda ang mga iyon, pero may kakaibang lamig sa paraan ng pagtitig niya na hindi ko maipaliwanag.
Napahinto siya nang mapansin ako.
Saglit na nagtama ang mga mata namin bago agad niyang binawi ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Napansin kong gumewang-gewang pa siya kaya mabilis kong nahulaan na lasing na ito.
Huminga ako nang malalim. Ito na ang pagkakataon ko.
Mabilis akong humakbang at nilapitan siya bago pa tuluyang maubos ang natitira kong lakas ng loob.
"Kuya, kailangan ko po ng isang-daang libong piso upang maoperahan ang kapatid ko... kapalit ang katawan ko." Sabi ko.
Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko pagkatapos kong sabihin iyon.
Habang nakatayo ako sa harapan niya ay isa pang sasakyan ang pumarada sa tabi ng sasakyan niya. Napatingin ako ruon sandali.
Kapag hindi siya pumayag, sa lalaking bababa mula ruon ako lalapit.
Napakasakit isipin, pero wala na akong ibang alam na paraan para matulungan ang kapatid ko. Mahirap lang kami, at kung minsan nga ay wala pa kaming makain. Saan ako kukuha ng ganuon kalaking pera?
Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Tahimik niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Amoy na amoy ko ang tapang ng alcohol mula sa kaniya at lalo akong nakaramdam ng panliliit sa sarili ko sa paraan ng pagtitig niya.
Bigla niyang hinawakan ang baba ko at iniangat ang mukha ko.
Napakurap ako.
Hindi ko alam kung saan ako titingin habang masinsinan niya akong pinagmamasdan. Naamoy ko ang hininga niyang may halong alak at mamahaling pabango.
"Follow me." Sabi niya.
Napakalamig ng boses niya. Walang bahid ng emosyon, na para bang wala siyang pakialam kung bakit ko kailangang gawin ito.
Naglakad siya papasok sa club at tahimik lamang akong sumunod. Muntik pa siyang matumba dahil sa pagewang-gewang niyang paglalakad, pero nagpatuloy lamang siya kahit bumubuwal-buwal pa siya.
Hinarang ako ng guard sa entrance, ngunit isang kumpas lamang ng kamay ng lalaking sinusundan ko ang kailangan para agad akong padaanin. Hindi na niya kailangang magsalita. Mukhang kilalang-kilala siya ng mga taong nagtatrabaho rito at sanay silang sundin ang anumang gusto niya.
May tinawag siyang isang lalaki at itinuro ang third floor.
Napatingala rin ako.
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ngayon ko mas lalong nararamdaman ang takot dahil unti-unti nang nagiging totoo ang bagay na kanina ay plano lamang sa isip ko.
Wala pa akong karanasan sa pakikipagtalik. Ni hindi nga ako marunong humalik.
At ngayong gabi, balak kong ibigay ang sarili ko sa isang lalaking ni pangalan ay hindi ko alam.
"Sumunod ka sa akin sa itaas." Sabi niya kahit hirap itong magsalita sa sobrang kalasingan.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod, na para bang nagpapatianod na lamang ako sa agos ng sarili kong kapalaran.
Mag-aalas diyes na ng gabi. Kailangan ko ang pera sa lalong madaling panahon at iyon na lamang ang paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko habang umaakyat kami.
Pagdating sa third floor ay isang silid na may naka-ukit na initials na A.M ang pinasok niya.
Nanatili akong nakatayo sa may pintuan. Gusto ko na yatang tumakbo. Gusto ko na yatang umuwi.
Pero sa tuwing naiisip ko ang kapatid ko ay napapapikit na lamang ako.
"Papasok ka ba o uuwi ka na lang!" Singhal niya.
Napapitlag ako sa sobrang lakas ng boses niya. Kahit pumipiyok dahil sa kalasingan ay sapat iyon para tuluyan akong mataranta. Mabilis akong pumasok at agad niyang isinara ang pinto.
"Hospital name?" Tanong niya.
Hindi ko agad naintindihan kung bakit niya itinatanong iyon, pero mabilis ko pa ring sinabi kung saang hospital naroroon ang kapatid ko.
"Name of your brother?" Tanong niyang muli.
"Eugene Sanchez, twelve years old po." Mabilis kong sagot.
Pagkasabi ko ng pangalan ni Eugene ay may tinawagan siya sa telepono.
"I sent you a message. Check on that kid in the hospital, and if anything needs to be done, take care of it as soon as possible. Call me back when it's done." Sabi niya sa kausap.
Pagkatapos ng tawag ay inilapag niya ang phone sa maliit na lamesa at hinubad ang suot niyang coat habang hindi inaalis sa akin ang tingin.
Hindi ko naman siya magawang tingnan nang matagal.
Gwapo siya. Sobrang gwapo. Pero may kung anong madilim sa mga mata niya na nagbibigay sa akin ng kakaibang takot. Hindi ko alam kung dahil lamang ba iyon sa kalasingan niya o talagang ganuon siya tumingin.
"Take off your clothes." Utos niya.
Parang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makakilos.
Ito ang kauna-unahang beses kong gagawin ang ganitong bagay at ngayon ko lamang lubos na naramdaman kung gaano ako katakot.
Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako masamang babae. Gusto kong ipaliwanag na hindi ko ginagawa ang ganitong bagay at wala akong ibang dahilan kung hindi ang mailigtas ang kapatid ko. Pero ano ba ang pakialam niya? Sa tingin ko nga ay baka paggising niya kinabukasan ay hindi na niya maalala kung sino ako.
"Maghuhubad ka ba o palalayasin kita rito at hahayaan kong mamatay ang kapatid mo sa hospital?" Sabi niya habang pumipiyok pa rin dahil sa kalasingan.
Nakita ko ang galit sa mukha niya.
Sa takot ay nanginginig kong hinawakan ang damit ko at nagsimulang maghubad, pero ilang beses akong napahinto dahil hindi ko talaga magawa nang tuluyan.
Kinuha niya ang bote ng alak na nasa maliit na table at tinungga iyon na parang tubig lamang ang laman. Samantalang ako ay napahawak sa noo ko nang maramdaman ang malamig at butil-butil na pawis na namumuo ruon.
Lumapit siya sa akin. Napaatras ako, pero mabilis niyang hinablot ang damit ko na muntikan nang mapunit. Bago pa ako makapagsalita ay binuhat niya ako at ibinalibag sa malaking kama.
"T-teka lang po..." Sabi ko.
Nauutal ako sa sobrang takot.
"Bayad ka na dahil ooperahan na ang kapatid mo. Wala ka nang magagawa kung hindi ibigay sa akin ang gusto ko. Ikaw ang lumapit sa akin. Ibinenta mo sa akin ang katawan mo kaya wala ka nang magagawa pa!" Galit niyang sabi bago niya ako mabilis na pinatungan.
Hindi ako nakakilos. Ginusto ko ito, kaya wala na akong magagawa kung hindi hayaang mangyari ang isang bagay na ako naman ang pumili na mangyari sa akin.
Ako ang lumapit sa kaniya. Totoo iyon. Ako ang nag-alok ng sarili kong katawan dahil desperado akong mailigtas ang kapatid ko.
Pero ngayong narito na ako, natatakot ako.
Sobrang natatakot. Pero kailangan kong gawin para sa kapatid ko. Kaya kong isakripisyo ang lahat huwag lamang maputulan ng paa ang kapatid ko.
Napapikit ako nang magsimula siyang hawakan ang katawan ko. Nanginginig ako at halos hindi makahinga. Nagdidilim ang paningin ko habang lalo pang lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Itinulak ko siya nang bahagya, ngunit napakabigat niya kaya hindi man lang siya natinag.
Aaminin kong natatakot talaga ako. Pero sa gitna ng takot ay mukha ng kapatid ko ang pumapasok sa isip ko. Kailangan niya ng operasyon. Kailangan ko ng pera. At ilang oras lamang ang nakalipas, handa akong gawin ang lahat para masalba siya.
Unti-unting nanghina ang katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa matinding takot, o pagod. Lalong lumabo ang paligid hanggang sa hindi ko na maramdaman nang maayos ang sarili kong katawan.
Pagkatapos ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko.
Ilang segundo akong nakatitig lamang sa kisame habang pilit inuunawa kung nasaan ako. Hanggang sa maramdaman ko ang kirot sa pagitan ng mga hita ko.
Parang nanigas ako. Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking natutulog nang nakadapa sa tabi ko. Wala siyang kahit anong saplot sa katawan.
Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.
Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Sunod-sunod at ayaw magpaampat.
Hindi ko alam ang buong nangyari habang wala akong malay. Ang alam ko lamang ay masakit ang katawan ko at gusto ko nang makaalis sa lugar na iyon.
Maingat akong bumaba sa kama at mabilis na pinulot ang mga damit ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagbibihis bago ako nagmamadaling lumabas ng silid.
Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko.
Madilim pa sa labas nang makalabas ako ng club. Siguro ay bandang alas kuwatro pa lamang ng umaga. Pumara ako ng taxi at nagpahatid diretso sa hospital.
Pagdating ko ruon ay halos patakbo akong pumasok.
At sa unang pagkakataon mula kagabi, nakaramdam ako ng matinding ginhawa nang malaman kong naoperahan na ang kapatid ko.
"Mamayang hapon ay makakauwi na siya. Wala ka nang dapat alalahanin dahil nabayaran na lahat ng bills ng kapatid mo." Sabi ng doktor.
Napapikit ako at halos mapahagulhol ulit sa sobrang ginhawa.
Nagawa na ang operasyon ni Eugene. Ligtas na siya.
Pero nang muling dumilat ang mga mata ko ay saka ko lamang napansin ang kakaibang tingin ng ilang taong nasa paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pinag-uusapan nila ako.
Tumayo ang doktor, kumuha ng coat at iniabot iyon sa akin.
"Ibalik mo na lang 'yan dito kapag may time ka. Pinag-uusapan nila ang mga marka mo sa katawan at leeg mo." Sabi niya.
Bigla akong napatayo ng tuwid.
Mabilis akong nagtungo sa banyo at humarap sa salamin.
Ganuon na lamang ang gulat ko nang makita ang sarili ko.
Gulong-gulo ang buhok ko at may mga mapupulang marka sa itaas na bahagi ng leeg ko. Ilang segundo akong nakatitig lamang sa repleksyon ko bago muling tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko kailangang hulaan kung saan nanggaling ang mga iyon.
Naghilamos ako at pilit inayos ang sarili bago isinuot ang coat na ipinahiram sa akin ng doktor. Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at bumalik sa kaniya.
"Salamat po. Babalik na lang po ako mamaya para sunduin ang kapatid ko at isauli ang coat ninyo." Wika ko.
Tumango ang doktor.
At ako naman ay mabilis nang lumabas ng hospital habang mahigpit na nakabalot sa katawan ko ang coat na ipinahiram niya.
Ligtas na ang kapatid ko. Iyon ang dapat kong isipin. Iyon ang dapat kong ipagpasalamat.