Part One - Chapter One: Annual Birthday

3026 Words
Part 1: Nursing is an Art and Science Chapter 1: Birthday “REIGN!” umalingaw-ngaw sa buong bahay ang pagtawag sa akin ni Mom. “Yes Mom?” sigaw kong pabalik habang pokus na pokus ako sa aking nilalaro. “Nandito na si Nathaliee at Millie!” “Papasukin mo lang sila Mom! Thank you!” sagot ko. Narinig kong may sinambit pa si Mom ngunit di ko na iyon narinig. Ewan ko kung ako ba yung kinakausap niya o baka kausap niya yung mga kaibigan ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong may pumihit ng seradura. Tamang- tama ay kakatapos ko lamang maipanalo ang laro kaya’t inikot ko ang gaming chair ko upang harapin sila. Iniluwa ng pinto ang dalawa kong kaibigan na may napakaraming bitbit na mga plastic. Tumayo ako upang batiin sila ng isang yakap. Itinapon lamang ni Millie ang mga plastic sa aking kama at sinalubong ang yakap ko. “Happy Birthday Reign-y!” saad nito. Hinigpitan ko pa ang aking yakap sabay pasalamat sa kanya. “Happy Birthday Reign! Legal age ka na!” Sunod ko namang niyakap si Nathalie pagkatapos nitong ipatong sa lamesa ang mga plastic na bitbit rin niya. “Ano ba yang mga dala niyo? Ba’t napakarami?” tanong ko ng na-realize ko na sobrang lalaki pala ng plastic na dala nila. “Handa mo yan. Atsaka mga dekorasyon!” sumbat ni Nathalie. “At syempre, pang-shot puno mamaya!” Singgit ni Millie at itinaas ang isang bote ng tequila. “Bakit nag-abala pa kayo? Magluluto naman si mommy ng spaghetti para sa ating apat.” “Para ka kasing tanga, sabi kasi ni tita samin kaunti lang yung ihahanda mo dahil gusto mong ipera na lamang yung pang-birthday mo! Reign 18th birthday mo na! Tas spaghetti lang?” sagot ni Millie at umupo sa kama ko. Bumalik na din ako sa gaming chair at sinandal ang aking katawan. “Twenty-one pa naman yung debut ng lalaki diba? Atsaka may bago kasing skinline sa laro! Sayang talaga kasi may discount sa first two hours ng release.” Sabay na napairap ang dalawa, at napatawa lamang ako. Itong dalawa to, napaka effort talaga pagdating sa mga selebrasyon. Sa totoo lang kasi ay tinatamad akong maghanda dahil ayokong mang abala kina mommy at daddy. Kung pu-puwede lang ay di na ako maghahanda ngayong araw. Pero nagdecide na lang akong maghanda ng kaunti kasi ngayong araw ko rin balak ipakilala kila mommy at sa kaibigan ko yung boyfriend ko. Yes, boyfirend ko. I’m bisexual and open naman ako sa aking parents. Thankfully my mom and dad are kinda open-minded about this kaya di na ako nahirapang ipaalam sa kanila yung totoong seksualidad ko. In fact, di na ako nagkaroon ng “table” discussion sa kanila to announce that I am also attracted to same-s*x. Parang naging komportable lamang ako na maging open sa loob ng bahay. I told them kasi na may nanligaw sakin, they supported me pero sa isang kondisyon daw. I just need to promise them na di ko pababayaan yung studies ko and make my relationship as an inspiration. So, I did, I promised to my parents. Now after one-month sinagot ko si Davion, and I told him na ipapakilala ko na siya kay mommy. Speaking of Davion, binuksan ko yung phone ko upang tignan yung notification ko. Nadismaya ako ng kaunti ng walang isang notification akong nahagilap sa lockscreen. Baka busy siguro yun, exam kasi nila nextweek. “Bumati na ba yung boylet mo?” tanong ni Nathalie sakin. Pinatay ko ang phone ko sabay patong sa gilid ng keyboard. “Hindi pa, chineck ko lang kung nagchat siya, busy siguro or baka tulog pa.”. Tumango ito bilang tugon sakin. Two seconds’ silence. Two seconds that felt like eternity when my brain was flooded by negative thoughts. I quickly dismissed it kasi napaka-imposible namang mangyari ‘yon. “Well, dalhin na natin yang mga dala niyo sa ibaba baka langgamin pa yung higaan ko.” Napatawa sila ng kaunti sa aking tinuran at sabay kaming tumayo. Binitbit ko yung malaking plastic na dala kanina ni Nathalie. May kabigatan pala ito. Nauna akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina. Una silang lumabas sa kwarto, chineck ko muna kung may naiwan ako nang naalala ko yung selpon ko. Kinuha ko ito sa aking mesa at sumunod na sa pagbaba. Sa ilalim ng hagdan ay dalawang batang may hawak na scooter at mistulang nag-aagawan. Napangiti ako ng makita kung sino sila. Ang bawat hakbang namin sa pagbaba ang siyang kumuha sa kanilang atensyon at napatingin sa amin. “ATE NAT! ATE MILLIE!” sabay na sigaw nila at binitawan ang pinag-aagawang scooter. Tumungo sila sa aking dalawang kaibigan at itinaas ang kanilang kamay upang salubungin sila. “Lucas, Lucious. Mamaya na kayo magpabuhat, madaming dala sila ate mo.” Paalala ko sa apat na taong kapatid kong kambal. Sumunod naman sila at bumuntot sa amin papuntang kusina. Naghintay talaga ang dalawa na ihapag ng mga kaibigan ko ang kanilang dala upang magpabuhat. Simula kasi ng maliit pa sila ay parati nang pumupunta rito sina Nathaliee at Millie upang tumambay. Nakikipaglaro sa kambal hanggang sa nahulog narin ang loob ng mga kapatid ko sa kanila. Bitbit ni Millie si Lucious habang kay Nathalie naman si Lucas. Tumungo sila sa sala at nag-usap. Napakaraming tanong ng kambal sa kanila, mistula bang isang buwan na silang di nagkita. Pinakita nila yung bago nilang mga laruan na binili ni Mom sa kanila. Maya-maya ay dumating na si Mom galing sa labas. “Lucas at Lucious, doon na muna kayo sa kwarto niyo. Wag niyo munang kulitin sina Ate niyo at may gagawin pa sila!” “Pero mommy~” nanlulumong saad ni Lucas. “Namiss ko po sila mommy.” Sagot naman ni lucious sabay pout. Dalawang to, alam talaga ang diskarte nila kay mom. Ang ko-cute nilang dalawa at napakahirap umayaw sa kanilang mga gusto. Ngunit di nagpatinag si Mom sa puppy eyes at pag-pout nila at pinatungo pa rin sila sa kanilang kwarto. “Magkikita naman kayo ulit ni ate Millie at Nat mo mamaya.” Sabi ko sa kanila bago sila tuluyang pumasok sa kwarto. “Ang cute talaga ng mga kapatid mo Reign!” ani Millie “Oo nga eh, mana sakin” pabiro kong sagot. “Sus, eh kapatid mo yan, paanong nagmana sayo? Sige na nga pagbigyan at birthday mo naman.” sabi ni Nathalie. Napatawa nalang kami. “I love you guys.” Pabirong turan ko. Tumungo na ulit kami pabalik sa kusina at inilabas ang mga nakabalot sa plastic na dala nila. Sa unang plastic nakalagay ang mga banderitas at mga lobo. Sa pangalawang plastic, yung plastic na napakabigat, naroon ang napakaraming tupperware na napakaraming porks strips, at isang Butane stove. Inorder pala nila ito sa isang sikat na samgyup restaurant. Ipinatong lang namin ang mga ito sa mesa at kinuha ang plastic na para sa dekorasyon at dinala iyon sa sala. Si Millie ang nag-volunteer na palobohin ang mga balloons habang kami naman ni Nat ang nagsabit ng mga banderitas. Gold ang black ang kulay nito at sa bawat flag ay ang mga letra ng salitang “Happy Birthday”. Nang matapos naming maisabit, ay bumalik kami kay Millie at tinulungan siya na palobohin ang mga ito. “So, Reign, anong course yung kukunin mo?” tanong ni Millie habang tinatali ang dulo ng balloon. “Nursing yung kukunin ko, nagsubmit na ako ng requirements ko, hinihintay ko nalang kung kailan yung Nursing Aptitude Test nila upang makapaghanda ako, kayo anong course niyo?” “Hala! Nursing din yung kukunin namin!” masayang saad ni Nathalie. “Saan ka nag-apply? Doon na rin kami para classmate ulit tayo!” excited namang tanong ni Millie. “Sa Buenaventura University ako nagsubmit. Open pa naman sila for application. Sorry, nakalimutan kong nursing din pala kayo, nauna akong nagsubmit ng requirements.” “No! Don’t be sorry. Okay lang naman.” Sabi ni Nathalie sakin, tumango naman si Millie na para bang nag-agree din siya. “So, Millie, submit tayo bukas?” “Sure!” “Excited na ako na magsama ulit tayo sa school! Imagine another Four years naman tayong magkaklase! Sixteen years in total!” Napatawa kaming tatlo na may halong excitement. Grade one kaming tatlo nagkakilala, since that time nagclick lng talaga kami and we decided to be bestfriends. Mga partners in crime ko itong dalawa. Syempre may panahon din na nagaway kami pero that made our friendship stronger. Marami pa kaming pinag-usapan, mga plano namin for college. We also agreed na sabay kaming tatlo na mag-aral for Nursing Aptitude Test to make sure na makakapasa kami for interview. Di na namin namalayan ang oras at naubos din namin palobohin yung mga balloons. Natapos na rin ni Mommy lutuin yung spaghetti, inilagay niya iyon sa isang porselanang sisidlan at ipinatong sa mesa. Inilabas ni Nathalie ang stove at mga tupperwares na may pork strip at ipinatong rin. Habang si Millie naman, busy kakapanood ng t****k sa cellphone niya. Naalala ko yung selpon ko kaya’t kinuha ko ito sa aking bulsa upang tignan kung nagmessage ba si Davion. Nang makitang wala ay agad akong nag-alala. This is not him kasi he usually he greet me a good morning as soon as available na siya, pero almost lunch time na at di pa rin siya nakakachat. “Saan na ‘nak si Davion? Papuntahin mo na siya rito at nang makapag-umpisa na tayo.” Nakangiting saad sakin ni mom. “Ay sabihan mo ring excited na akong makilala siya.” Dagdag pa niya. Sinunod ko ang suggestion ni mom at chinat siya. Me: Babe, punta ka na raw rito sabi ni Mom. Excited na raw siyang makilala ka. Me: Babe, baka nakalimutan mo na ime-meet mo ngayon si mom sa birthday ko. HAHAHAHAH Me: Don’t worry, I’m telling you, magugustuhan ka nun. Tatlong sunod-sunod na chat. Medyo nag-aalala ako ng kaunti kay Davion at baka napano na iyon. Ngunit ang pag-aalala ko’y nawala ng bumaba ang profile niya na nagsasabing naseen niya na ang message ko. Maya-maya pa lumabas ang text sa ibaba na ‘Typing...’ kaya’t hinantay ko na lang ang reply at di pinatay ang phone ko. Ilang segundo ay nag-vibrate ang phone ko sabay ng paglitaw ng kanyang mensahe. Davion: Hi Reign, can I call you? Reign? He usually calls me “Baby” kaya’t nakakapanibago ng kaunti ang pagtawag niya sa first name ko. Me: Yeah sure, may problema ba?  Naseen niya ang chat ko at imbes na sinagot ay tumawag na ito. Nagpaalam muna ako kay mom at sa mga kaibigan ko bago ako tumungo sa kwarto upang sagutin ang tawag ni Davion. Baka may pinlanong sorpresa ‘yon. Medyo ma-effort din kasi si Davion especially noong nanliligaw siya sa’kin. He always brought me flowers, and even sent a lot of poems sa bahay namin. Old school I know pero isa iyon sa mga rason kung bakit sinagot ko siya. I smiled thinking about those bago ko i-accept ang call. “Hello babe? Saan ka na, papunta ka na ba?” agad kong sambit pagkalagay ko sa aking tenga. “Reign?” isang salita, matapos ang limang segundo katahimikan bago niya ako sagutin. “Bakit Davion?” “As you’ve noticed na in the past few days ay medyo cold ako sayo at very distant. I always told you na busy ako, o kaya may exam ako but it is not about that’. Huminga siya ng malalim, at gaya niya ay napahinga din ako ng malalim. “I’m sorry and I know na birthday mo ngayon pero I don’t want to be cruel na sa’yo because you deserve better than me. These past few days I’m reflecting about myself, about us. I’ll be honest to say na, I dont know if I still like you anymore.” That last line echoed in my brain over and over again. My heart drop and my hands are shaking. Is this all real? O baka panaginip lang ito. Isang panaginip na sana sa ilang segundo ay magising na ako. Pero, I alam kong hindi ito panaginip, at di ko alam kung ano ang aking sasabihin. Maraming tanong ang bumaha sa aking isipan, mga tanong na di ko matanong dahil para bang nagkabuhol-buhol sila at naging pipi akong di makapagsalita. “But why?” ang tanging na-isambit ko. “I don’t know Reign. Di ko rin maintindahan ang sarili ko Reign. Noong araw na sinagot mo ako, last week, di ko naramdaman ang saya na dapat kong maramdaman. Di ko alam kung bakit, akala ko normal lang iyon, pero siguro ano...” “Ano?” “Na... baka niloloko ko lang yung sarili ko na mahal kita. Maybe I just need a distraction from my past and it is you I’ve seen who can give it to me.” “Distraction saan? What is happening Davion, diba alam mo na pag may problema ka dito lang ako sa tabi mo. Is this about your family? We can face it together Davion.” “No, its not about them Reign.” Huminga ulit siya ng malalim. “The truth is, kaka-break ko lang noong nakilala kita.” “Pero you did love me, right?” nanginginig kong tanong. “Wala akong pakialam sa past mo Davion, I know na di mo lang gusto na akalain kong panakip butas mo lang ako, that is why you kept it from me. I understand you and its okay.” “I don’t know.” Nanlalabo ang aking paningin at di ko na maaninag ang paligid, di ko namalayang nag-uunahan na pala sa pagpatak ang bawat luha ko. Pilit kong nilulunok ang parang bagay na nakabara sa aking lalamunan upang makapagsalita ako ng maayos. “Davion, please give it a chance, we will work this out. Ayaw kong mawala ka.” Pinahid ko ang aking luha sabay lunok. “Why not, pumunta ka ngayon rito at pag-usapan natin ‘yan, at saka ano, sayang din yung handa ko.” Pagkumbisi ko sa kanya, pinipilit na maging masaya sa aking tono. I know we can fix this if we talked. “I’m sorry Reign, I know masakit to sa iyo. Pero I’m begging you, to please let me free.” “And I’m begging you to try, to stay.” “I already did, pinilit ko na ang sarili ko na mahalin ka kasi ayaw kong masaktan ka, pero in exchange ako yung masasaktan. I’m sorry pero kailangan kong maging selfish for the sake of myself. Kahit di mo ako pahintulang pakawalan, then wala na akong choice kung hindi ay iwan ka. I’m sorry pero I just don’t want to hurt you anymore and the best way for us is to go separate ways.” “Then kung iyan ang gusto mo, I understand.” Sabi ko as a sign of surrender. I can’t beg him to stay if siya mismo ayaw niya na, maybe he is right, na baka this is for the best of us. “Thank you Davion, for everything. I understand you, and will always understand you.” “Thank you! All the best Reign and Happy Birthday!” Then I heard a beep, signifying the end of the call, and the end of us. Tang-ina ba’t ang tahimik nang lahat, bakit di ko marinig ang bawat ingay ng kaibigan ko, kapatid ko at ni mom sa ibaba. This silence is drowning, and I can’t breathe. Di ako iiyak sa birthday ko. Sabi ko sa sarili ko, at sinubukang pigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Kinuha ko ang napagsuotang damit at ipinahid iyon sa aking pisngi. Hinarap ang salamin at inayos ang sarili, pilit na burahin ang bakas ng lungkot sa aking mukha. I smiled in front of me. Napakapilit na ngiti ngunit alam kong di nila ito mahahalata. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa aking kwarto. Natagpuan ko ang mga kaibigan kong nakikipaglaro sa kambal habang nanonood sa kanila si Mom. Naramdaman nila ang aking presensya kung kaya’t tumayo sila upang sabayan ako papunta sa dining area kung saan nakahain ang mga pagkain. “Ma, magstart na tayo!” sabi ko. “Di mo ba hihintayin si Davion?” tanong ni Mom sakin. Bumigat ang aking dibdib nang marinig ang pangalan na iyon. Ngunit ayaw kong masira ang in-effort sakin ng mga kaibigan ko at nagpakatatag kahit sandali. “Okay lang mom, ala-una na, excited na yung kambal!” “Okay, ilalabas ko na yung cake mo.” Excited itong tumungo sa ref upang kunin ang cake. “I’ll get the lighter! May binili kasi kami kanina na out of this world na lighter.” sabi ni Millie at tumawa ito ng ipakita niya yung design ng lighter na may glitters sa hawakan nito. Tumawa rin ako, at nanalangin na sana di nila nahuli na napaka-pekeng tawa iyon. Sinindihan na ni Millie ang kandila sa cake. Inutusan ni Mom ang kambal na sumabay sa pagkanta. “Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to you!” “Happy Birthday Reign!” Di sabay-sabay na bati nila. “Dont forget to wish kuya!” paalala ni Lucas. Pinagmasdam ko ang sayaw ng apoy ng kandila na siyang dapat kong hipan. I was drowning with every single thought. Naalala ko ang bawat sinabi ni Davion, bawat katagang sinambiit niya kanina. Wishing that all of this is just a nightmare. Di ko na kaya ang bigat na aking nararamdaman. Dahilan ng paghina ng aking tuhod kung kaya’t napahawak ako sa mesa. And it all broke loose. Di ko na napagilin ang aking sarili at nag-umpisa na sa pag-agos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. “What happened?” nag-aalalang tanong ni Mom sabay yakap sa’kin Di na ako nakasagot at umiyak ako ng umiyak sa kanyang braso, sunod kong naramdaman ang paglapit ni Nathalie at Millie habang hinahaplos ang aking likod. Mas lalo pang bumuhos ang aking luha nang niyakap nila akong tatlo. Maybe this is the start of my annual birthday cry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD