Chapter 2: Gav
White polo shirt, and jeans. Iyan ang requirement ng school namin habang wala pa raw kaming school uniform. Pinagtawanan pa nga ako ni Papa nang makitang naka-tuck-in pa yung white polo ko. Mukha raw akong studyante ng criminology.
I am slightly bouncing while taking a left turn habang inaalala ang sinabi ng guard na direksyon papunta sa building namin. This university is huge at bawat courses ay may sariling building na nakalaan para sa kanila.
Sikat ang university namin dahil sa Nursing department nila, kung kaya’t medyo pahirapan ang pagpasok dito dahil sa marami rin ang mga applicants na nais mag-aral. Sa lugar namin, palaging magkatunggali ang Saint Raphael University; itong school na ito, at ang Buenaventura University; isang nursing school din. Each university has a One-hundred precent passing rate on board exam.
Nursing was my dream since bata pa ako. I always saw my tita, wearing her white uniform before going to work. Nakita ko rin siya kung paano niya ako inalagaan noong nagka-dengue ako. Atsaka lately, nalulong na rin ako sa bawat Medical Drama na available sa streaming platform. Alam ko na most of this were inaccurate but they inspire my passion to be a nurse. Yung bawat adrenaline na nararamdaman nila kung sakaling may pasyente sa emergency room, gusto ko ring ma-experience yun.
Ngayon ay ang umpisa ng aking paglalakbay tungo sa aking hangarin na maging isang nurse. Kaya’t nang makita ko na ang building ng nursing department ay mas binilisan ko ang aking paglalakad. Sa sobrang pagmamadali ay may nabangga akong isang lalaki na naka white polo rin. Siguro’y isang freshmen din, dahil sa may uniform na ang mga senior namin.
“Sorry!” Wika ko at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Di na ako lumingon pa sa kung sino yung nabangga ko dahil sa excited na akong pumunta sa aking kwarto. Speaking of kwarto, agad kong binunot mula sa aking bulsa ang cellphone ko at tinignan ang room assignment na nakalagay sa portal.
“Room 205” banggit ko sa aking sarili, at inulit ulit iyon sa aking isipan habang hinahanap ang aking kwato na may kaparehong numero. Naubos ko nang ikutin ang mga kwarto sa first floor, kung kaya’t napagtanto ko na baka sa second floor. Ngayon ko lang napagtanto na ang lahat ng room sa first floor ay nag-uumpisa sa number one, di naman halatang excited ako ano.
Makailang ulit kong pinagpipindot ang ‘Up’ button ng elevator, sa pag-nanais na bumilis iyon sa pagbukas. Nang ito’y bumukas, ay agad akong pumasok sa loob. I know! Mas mabilis pa sigurong pumunta sa second floor gamit ang hagdan pero I just want to try our elevator too. Mahal kaya ng tuition namin.
Nang makarating sa second floor ay nagpatuloy na ako sa paghahanap ng aking kwarto. Una kong nakita ang numerong two hundred.
“Two-o-one, two-o-two, two-o-three, two-o-four...” mahinang sambit sa sarili ngunit napalakas ng kaunti ng dumating sa “Two-o-five!”
Makikitang may mga ilan ng estudyante sa loob ng kwarto. Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang aking panyo. Pinunasan ang kaunting pawis na namuo sa aking sintido. Huminga muna ako ng malalim sa harap ng pinto bago ako pumasok.
Kasabay ng aking pagpasok ay pagpasok rin ng isang babaeng naka-green t-shirt. Base sa kanyang pananamit at dahil sa medyo may edad na ito ay baka ito na yung Clinical Instructor na naka-assign sa amin. Humanap nalang ako ng bakanteng upuan na una kong nakita at doon muna pumuwesto.
The teacher settles her things. Kinuha niya yung kanyang laptop at iki-nonnect sa projector. Pagkatapos ay nag-senyas sa amin upang tumayo. Pinlay niya yung ten-minute video kung saan naglalaman ito ng opening prayer song, meditation at closing prayer song. This is understandable dahil sa ang school namin ay isang religious school kung kaya’t parte ito ng araw-araw na gawain.
“Goodmorning everyone!” bati ng clinical instructor matapos ang video.
“Goodmorning po maam!” sagot ko rin kasabay ng iba ko pang mga kaklase.
“I just presented a what we called devotional, every morning we will start our lecture with appreciation to our god.” Pag-explain nito sa amin. “For today, I am the one who presented the devotional because it is your first day in class, pero sa susunod na araw, kayo naman ang in-charge sa devotional. Don’t worry this will be by group, and I will group you later!”
Tumango ako bilang tugon. This is the reason why dito ako pinaaral ng parents ko, my parents were also religious. Dagdag na rin natin na dito rin nag-aral ang tita ko kung kaya’t madali rin akong nakapasok. Natatandaan ko nga na noong interview stage ay nagpumilit talagang sumama ang tita ko. Ayun, sa labas palang ng interview room, marami kaming nakasalubong na kung di niya naman classmate ay teacher rin daw niya noon. Noong time ko na for interview, they just asked me one question and the rest, nakipagkwentuhan na lamang sila sa’kin.
Di ko namalayan na napangiti ako nang maalala yung araw na iyon. Thinking about it, I realized that the whole thing was very funny.
“Now, I will introduce myself. I’m Norma Paniala, and I’ve been a clinical intsructor here for 7 years already. Dito rin ako nag-graduate bilang isang nurse. Nagtrabaho muna ako sa ibang bansa ng ilang taon bago ako bumalik sa unibersidad na ito para magturo sa future RN’s.” Napakajolly na klaseng tao si ma’am Paniala, parati itong nakangiti kahit di nag-sasalita. Tas alam mo yung parang may kung anong sinag ng araw na nagmumula sa kanya.
“I am your adviser for this section, sadly wala kayong subject under me, dahil na-assign ako sa second year OB/DR ward. Pero kung may problema kayo I am always available to assist you students.”
“Now it’s your turn to introduce yourself! Sabihin ang pangalan, edad, at bakit mo pinili ang nursing. Let’s start from there!” sabay turo niya sa akin sa gilid. Ito kasi yung una kong nakitang bakante kanina. “From left to right tayo student, then all the way to the back!” dagdag pa nito while gesturing how the order of introduction should be.
Inayos ko ang aking sarili, kinuha muna ang mask at ipinatong iyon sa aking mesa. Tumayo ako at pumagitna.
-
“Hello Guys!” Bati ko sabay wave sa kanila. “I am Eilly Gav Aizon, you can call me Gav. 19 years old. I chose nursing because this is my dream since bata pa ako, dahil nakita ko po yung tita ko na nurse din kung paano siya mag-alaga sa akin at sa ibang pasyente nang na-ospital ako. I also enjoyed watching medical drama like Chicago Med or The Good Doctor noong pandemic.”
“Nanay mo si Mathilda Aizon?” tanong ng teacher. Di na ako nagulat pa nang itanong niya sa akin ang pangalang iyon.
“Hindi po maam, Tita ko po siya, kapatid po ni Papa.” Paglilinaw ko.
“Kaya pala, classmate ko yang tita mo. Barkada ko pa nga.” Sabi niya at napatawa ng malakas.
“Opo maam, sinabi rin po sa akin ni tita nang malaman niyang ikaw din po yung adviser namin.”
“Sabihan mo si tita mo na mag-asawa na!” pabirong utos nito at napatawa ulit. Matandang dalaga kasi si tita at kadalasan ang mga kaibigan niya’y inuutusan siyang maghanap na ng mapapangasawa.
“Ay wag na po! Siya kasi yung nagpapaaral sakin, kung magkaasawa na yun, di na niya ako favorite pamangkin.” Pabiro kong sagot at napatawa rin ang iilan kong kaklase.
Pinaupo niya na ako at nagpakilala na ang iba kong kaklase. I actively listen to their introduction, pero don’t blame me na wala akong matandaan kahit isa. It’s weird pero medyo nahihirapan ako na tandaan ang bawat mukha ng isang tao sa unang tingin, feeling ko kasi magkakamukha lang silang lahat.
Natapos nang magpakilala ang nasa pinakahuling upuan. Lumingon ako sa iba kong kaklase, at makikita na yung iba ay medyo di interesado at nakapikit na. Katulad noong lalaki sa ikaapat na upuan mula sakin. Nakacrossed arms ito at nakayuko, di lang halata sa clinical instructor na nakapikit na ito dahil may kahabaan ang buhok nito na siyang tumatakip sa kanyang mata. Ngunit sa aking anggulo ay kitang-kita.
Napabaling ang aking atensyon pabalik sa harapan nang tumayo na si Ma’am Paniala.
“Now, I will arrange you alphabetically for your seat plan. This is necessary para di na mahirapan ang iba niyong CI’s sa pagcheck ng attendance.” Kinuha niya ang kanyang class record at binuklad iyon. “Everyone please stand and go at the side. Tatawagin ko kayo isa-isa.” Utos nito.
Kinuha ko ang bag ko sa ibaba at pumunta sa gilid. Pinagmasdan ko kung paano naka arrange ang bawat upuan. By two’s ang pagkakapuwesto nito, kung kaya’t bawat dalawang upuan ay may space kung saan puwedeg dumaan ang ibang estudyante o ang CI.
“Umpisa tayo kay Aizon, at Admeron!” sabay turo sa dalawang magkatabing upuan malapit sa pinto. “Susundan naman ito nina...” di ko na napakinggan ang iba pang binabanggit na apelyido dahil pumwesto na ako sa aking assigned seat. Ako pala yung una sa listahan. Di na ako nagulat dahil mula noong kinder ay palagi talaga akong nasa unahan.
Inilapag ko sa sahig ang itim na bag at inayos ang aking sarili. Napalingon ako sa aking katabi upang makilala ito. First day of school, I need to make new friends! At sino pa ba ang kadalasan nating unang kaibigan kundi ang katabi natin sa classroom.
“Hi! I’m Gav!” agad kong bati with a big smile.
“I know! You told us kanina.” Walang tono nitong sagot. I just realized na ito pala yung guy na nakatulog habang nagpapakilala ang iba naming kaklase. Well, maybe hindi pa siya nakaidlip noong ako yung nagpakilala. That also explains why wala siya sa mood ngayon kasi bagong gising lang siya para sa seating arrangement.
“And you are...” I smiled at medyo nilapit ang aking sarili.
“Di ka ba nakinig kanina?” medyo napa-atras ako ng kaunti. Siguro di ko muna siya dapat kulitin dahil di pa siguro bumalik sa kanyang katawan ang tulog niyang kaluluwa. That’s me sometimes.
“Oh. Sorry! Di po kaso ako agad nakakatanda ng pangalan ng di ko pa kilalang tao.”
I felt that he exhaled, and gather himself.
“I’m Reign Ally Admeron. Sorry.” Sabi nito pero sa mahina nang paraan di katulad kanina na wala sa tono.
“Well nice to meet you Reign!” I smiled.
“Nice to meet you too, Gav!” He smiled back showing his one dimple on his right cheek.
Dimple. I remember noong bata ako, palagi kong pangarap na magkaroon ng dimple. Feeling ko kasi napaka-rare makakita noon ng taong may dimple. Kaya bago ako matulog, I do this funny excercise kung saan gamit ang aking daliri ay tinuturok ko ito sa aking pisngi upang lumalim ito. I only know some people who have dimples, pero usually it is on both cheeks but this guy only has one dimple. Siguro mas rare species ito.
Thinking about the rarity of dimple, di ko na namalayang napatitig ako ng matagal sa kanya. Mabuti nalang at di na siya nakaharap sakin.
The teacher proceeded on discussing every information we need to remember. They talk about the rules, and dress code. Sa nursing may tinatawag silang Incident report o IR, every violation of the rules has corresponding punishment, most of it where extension of duty hours. Ilang oras rin si Ma’am Paniala nag discuss about dito, at isinusulat ko rin ang mga iyon sa aking notebook.
Reign, was sleeping. Again. Mabuti nalang talaga na mahaba ng kaunti yung buhok nito kung kaya’t di ito napaghahalataan ng adviser namin. I don’t know but his hair is a mess, pero yung type of mess na para bang napakabagay nito sa kanyang porma. I kinda want one pero itong mga haircut ay bawal sa bahay namin dahil medyo strict yung parents ko patungkol dito. Palaging paalala kasi ni Mama sa amin na maging presentable, and this kind of hair is not the definition of presentable for them.
Nang mapansin ng teacher na halos lahat ng estudyante ay tulog na, o wala nang interes na makinig, ay nagpa-ice breaker ito. Habang hinahanap ng teacher ang activity sheets na ipinrint niya for ice breaker, ay mahina kong iniyugyog ang balikat ni Reign upang magising.
Nagpakawala ito ng isang mahinang ungol.
“Reign! May activity daw tayo, baka mahuli ka ni Ma’am.” Bulong ko sa kanya. Concerned talaga ako sa kanya kasi nga narinig ko kanina na puwede ring ma IR o Incident Report ang nakakatulog sa class.
Napakurap ito habang lumilingon sa paligid. Bahagya itong nag-inat ng katawan at inayos ang sarili sa pagkakaupo. Pero di man lang lumingon sa akin or even acknowledge my presence. Wow. He can’t even thank me for waking him up. Or maybe like earlier, wala talaga siya sa mood pagkakagising lamang. Siguro iyan nga talaga ang dahilan.
-
Idinistrubute ni Ma’am Paniala ang mga Papel sa amin. Kumuha ako ng isang kopya at ipinasa sa likuran ang natira. Iniscan ko kung anong laman ng papel, nang nagbigay instruction ang teacher.
“Itong Icebreaker na ito ay makakatulong upang mas makilala niyo pa ang inyong mga kaklase. Makikita na may nakalistang tanong rito, dapat by the end of this, mapuno niyo iyan ng mga sagot galing sa inyong mga kaklase. Walang limitasyon kung ilang pangalan ba ang dapat na nakalagay diyan. Nasa sa inyo na kung isang tao lamang ang tatanungin mo o i-isa-isahin mo silang lahat para sa kanilang sagot.”
Binasa ko ang mga tanong. Kadalasan ay patungkol sa kanilang interes o hobbies na maari mong matanong sa iba.
“Now, I will go to the office and remember to minimize your noise while Im away.” Huling paalala nito bago ito umalis.
Humarap ako sa katabi kong si Reign dahil siya ang una kong tatanungin. I know its weird pero I want to be friends with him. Ngunit nakita ko lang na isinandal lamang ni Reign ang kanyang sarili at ipinikit ulit ang kanyang mga mata. Baka kulang lang ito sa tulog kagabi kung kaya’t inaantok. Sa totoo lang din kasi, di rin ako nakatulog kagabi dahil excited ako sa first day orientation.
“Di mo ba sasagutin yang papel mo?” tanong ko sa kanya.
“Nope! Di naman nila siguro ito ichechek.” Sagot nito ng nakapikit pa rin. Again, he sounds like he’s not interested. But no! I will not give up. Ayaw ko na baka pagalitan siya mamaya. I need to encourage him.
“We can be partners! Sasagutin ko yung mga nasa list mo, while I will ask this question to you. This will be very helpful to know each other.” I smiled, trying to encourage him. “Look, the question is just about interests and hobbies.”
“Well, I’m not that interesting. Baka ma-bored ka lang sa’kin.”
“Try me! Its just for fun!” pagpupumilit ko sa kanya. “Sige uunahan ko, one interesting fact about me is that I like writing tagalog poems. Its a great way for me to express my feelings in an abstract way.”
“Okay, okay.” He showed a bit sign of protest ngunit wala rin itong nagawa sa aking pangungulit. Isang malaking ngiti ang gumuhit sa aking labi dahil dito. Kinuha niya ang bondpaper na bahagyang nalukot at isinulat ang aking isinagot sa unang tanong. Magkakapareho lang naman kasi yung list of questions.
“Ikaw?” Tanong ko na parang paalala na rin na kailangan niya ring sagutin iyon upang may maisulat ako sa aking papel.
“I like writing songs and playing it on my guitar.” Sagot nito.
“Oooh. Gusto ko ring gawing kanta yung mga naisulat kong tula, wala akong alam kung paano magtugtog ng kahit isang instrumento. Maybe you can help turn one of my poems into a song!”
Hindi ito sumagot bagkus binasa na lamang ang susunod na tanong.
“Favorite artist, local or international?” tanong nito. Isinulat ko muna yung interesting fact niya sa papel ko bago ako sumagot.
“Since I was a kid, Im a huge fan of Taylor swift!”
“Really?” he asked. He’s face glows. Gotcha! Parang nakuha ko na ang atensyon na kanina ko pa ninanais makuha sa kanya. “Kasi same. Pero not same sa since I was a kid, kasi last year lang ako nagstart makinig sa kanya. Her song writing is out of this world.” Atleast di na siya isang tanong, isang sagot.
“Yep! Favorite album so far?” tanong ko.
“Folklore.” Proud nitong sagot.
“No way! Mine is evermore. Pero before it was release, reputation was my favorite.”
“I haven’t heard Reputation yet. Yung mga albums palang niya na ini-release after lover album ang napakinggan ko.”
“You should try listen to it. God! I wish fan ka na ni Tay-tay before niya ini-release yung album na yon. Cause that era, was the peak of Taylor Swift drama. Like, she was gone on every social media account, then boom, a snake was posted on her i********: account!” Di ko na napigilan ang aking sarili. Anything about Taylor Swift, magiging madaldal at maingay talaga ako. Now, I also found out that Reign is also a swiftie. Maybe there’s more than just a moody and sleepy Reign that I need to know.
“Sorry! Nacarried away lang!” saad ko pagkatapos kong pigilan ang sarili na pahabain pa ang kwento tungkol sa nangyari kay Taylor.
“Its fine!” sabi naman nito at napatawa.
Mula sa tanong na iyon ay mas naging aktibo na ng kaunti si Reign sa bawat pagsagot. Makalipas ang ilang minuto ay nasagutan na rin namin ang lahat ng mga nasa listahan.
“I think that’s it!” sabi ko pagkatapos kong idouble-check kung lahat nga ba ay nasagutan. “Ay dapat mo palang pirmahan yung papel ko dahil ikaw yung ininterview ko.” Iniabot ko sa kanya ang papel ko in exchange ng kanyang papel.
Pinirmihan ko iyon sa ibaba at ginuhitan ng maliit na star sa gilid ng aking pirma. Binalik ko ang papel nito.
“Wow! May star pa ha!” sabi nito at napatawa ng kaunti nang mapansin ang iginuhit ko.
“Very good kasi yan, kasi you did a great job.”
Nagulat ako nang agad nitong kinuha pabalik ang aking papel, may sinulat ito na pilit niyang itinago kahit makikita ko rin naman pagbinalik niya sakin.
“Heto!” sabay bigay pabalik ng papel ko while smiling. Agad ko kong pinagmasdan kung ano ang isinulat niya. Its a heart, a small heart na iginuhit rin niya sa dulo ng kanyang pangalan.
Without warning, I felt a heat forming in my cheeks, and something was going on in my stomach. What is happening? I’m so confused on why my body reacted this way. Siguro, Im just happy lang na I made Reign my friend, especially na ang sungit nito kanina. It just feels nice na dahil sa aking kakulitan ay di nagwagi ang kanyang pagiging moody sa akin. Yeah! Maybe that’s the reason why.
“Thank you!” I said while smiling back to him.