Your number cannot be completed at this dial. Please check the number and dial again… Idinuldol ni d**k sa katabing flower pot ang sigarilyong napapangalahati pa lang niya ang sindi. Hindi na bagong bagay iyon. Pero hindi pa rin siya tumitigil na i-dial ang numero ni Daisy. Walang araw na lumipas na hindi niya ito tinawagan. Sa kabila nang hindi na niya ito makontak. Hindi siya sumusuko. Nagbabaka-sakali pa rin siya na makokontak ito. “Ilang buwan na, Daisy? Ilang buwan mo na akong pinagtataguan,” paulit-ulit ding tanong niya sa sarili. Magkahalo ang pangamba niya at namumuong galit para sa babae pero hindi niya maitatangging mas higit ang labis na pag-aalala niya para dito at sa anak niya dito. Parang bula na nawala na lang ito. Dati ay sumasagot pa ito sa tawag niya. Hanggang sa bigl

