“ENGINEER Rommel Laperal of RGL Builders,” pormal na pakikipagkilala sa kanya ng bago nilang kliyente.
“Architect Roderick Montoya of Gomez, Montoya & Architects,” sagot niya at nagkamay sila.
“We can drop the formality. You can call me RGL. Most of them call me by that. Nanay ko na lang yata ang tumatawag sa akin ng lumalagutok na Rommel,” nakangiting sabi nito.
“Hindi ba mas dapat na tawagin kang Mayor?” he carefully asked.
Alam niyang alkalde ng isang bayan sa Nueva Ecija ang kaharap. Isang bagong dugo sa pulitika. At base sa balitang nakalap niya, hindi kalabisang ibigay dito ang kredito ng mabilis na pag-unlad ng San Clemente. Pero bago ito lumusong sa pulitika ay malaki na ang pangalan nito bilang isang kontratista.
“I am a mayor by accident. Mahabang kuwento pero sabihin na lang natin na sa last minute ay ako ang pumalit sa tatay ko na dapat sana ay siyang tatakbo para sa eleksyon. Akalain mong manalo,” pabirong sabi nito. “Heto nga at pinapanindigan ko na rin. Call me whatever suits you, Architect. Pero sasabihin kong mas kumportable akong tinatawag na RGL.”
“Then, tawagin mo na lang din akong d**k para hindi masyadong pormal,” ganti niya na malapad din ang pagkakangiti. Gusto niya ang kaharap. Magaan ang pakiramdam niya dito. Sa dami ng kliyenteng nakakaharap niya, naoobserba na rin niyang may basehan ang first impression. Kapag maaliwalas ang una nilang pagkikita, asahan nang maayos din ang kabuuan ng trabaho nila.
“Habang nasa posisyon ako, most of my business affairs will be handled by my sister Rosh. Engineer din siyang gaya ko. She’s my right hand and an equal partner in my company. Dinaan sa tawag ng dugo, eh. How can I say no to my younger sister? But she is quite good in her field. Puwede kong iwan sa kanya ang buong pamamalakad ng kumpanya sa buong panahon na nagsisilbi ako sa termino ko sa public service. Sa susunod na meeting natin, magkakakilala din kayo. Nagkataon lang na importante din iyong meeting na pinuntahan niya ngayon at hindi puwedeng ipagpaliban.”
Napatango siya. Another plus point ang ibinigay niya sa kaharap. He liked the way he talked about his sister fondly. Nakaka-relate siya sa ganoon dahil puro mga babae din ang mga kapatid niya.
“I am interested to meet her,” kaswal na sabi niya at huling-huli niyang napatitig sa kanya si RGL. “I am married,” mabilis na dagdag niya. “Happily married and soon to be a father,” he said with pride and emphasis. Gusto niyang matawa sa nakitang biglang pag-aliwalas ng mukha nito.
“Mabuti naman. Alam mo naman tayong mga lalaki lalo na sa mundo ng mga kontratista.”
“Takot sa sariling multo?” biro niya.
“Sabihin na nating protective ako lalo at kapatid ko ang concern. Bunso na ay babae pa. Not that I see her as a weaker s*x. I just love my sister so much. To a fault, I guess.”
“I perfectly understand. I have four sisters. At ako rin ang pinakamatanda.”
Tumawa nang malakas si RGl na para bang kumportableng-kumportable na sila sa isa’t isa. “I can’t imagine how to be a kuya of four. Ako nga, isa lang si Rosh, sampu yata ang katumbas.”
“Kuya din ako ng mga hipag ko. Tatlo pa ang mga nakababatang kapatid kapatid ni misis.”
“Ikaw pala ang mas maraming babalikan ng multo kung sakali.”
“Hindi naman siguro. Wala naman ang inagrabyadong babae.” And he suddenly thought of Daisy.
Hanggang ngayon, hindi niya alam kung ano ang akmang salita para sa nangyari sa kanila ni Daisy. Kahit kailan ay hindi niya inisip na madehado ang babae. Sa kabila nga nang may-asawa na siyang tao ay wala din siyang balak na talikuran ang obligasyon niya dito, lalonng-lalo na sa batang pinagbubuntis nito.
But where is Daisy?
Isang tanong na maya’t maya ay pumapasok sa isip niya pero hindi niya mahanapan ng sagot. Mabilis niyang isinantabi ang tungkol doon. Oras ng trabaho. Kailangan niyang mag-focus sa kaharap.
“Present to us another draft of the building I am telling you. Impressive iyong pinadala ninyo pero gusto ko pang makapili. I am open to all available options. I always want the best,” seryosong sabi ni RGL. “I want that to be the most impressive commercial building in Cabanatuan City. Rosh will talk to you about the details we usually want for our projects. Tatak Laperal. Tatak RGL.”
Nagustuhan niya ang narinig. Kakaibang sipag at inspirasyon ang bumangon sa kanya. “I will set a meeting with Rosh. Pagkatapos naming mag-usap, I’ll send a draft to your office as soon as possible.”
“Good, kung magkakasundo tayo, we’ll definitely have a long-term affiliation. Aside sa private projects ng RGL, puwede rin kitang imbitahang sumali sa bidding ng mga public projects.”
Mas naramdaman niya ang sulak ng dugo sa narinig na hamon. “Salamat. Hindi kami tumatalikod sa oportunidad.”
“DO YOU see that, Mr. Montoya?” linga sa kanya ng Ob-Gyn habang inu-ultrasound nito si Honey.
“d**k na lang, Doc. Just call me d**k,” aniya dito habang kunot ang noong tinititigan ang monitor. Hindi niya matukoy ang itinuturo nito. He was just seeing black and white. Kung hindi pa nga nagkaporma ang baby nang una nitong tinutukan ang tiyan ni Honey, hindi rin niya agad matutukoy na mismong sanggol na ang nasisilip ng machine.
“That’s his genital,” nakangiting sabi ng doktora.
“His? You mean we’re having a baby boy?” excited na sabi niya. Inilapit pa niya ang mukha sa monitor bagaman hindi pa rin niya maaninaw kung paano naging male genital ang kapirasong image doon. Oh, well, the doctor said boy. So be it. Ginagap niya ang kamay ni Honey. “Lalaki, Hon. Lalaki ang panganay natin,” tuwang-tuwang sabi niya.
Ngumiti si Honey. Nakita niyang may kumislap na luha sa mga mata nito.
“Medyo malaki siya sa normal size,” sabi naman ng doktora at muling tumingin sa kanya. “Mukhang mana sa daddy. Malaking lalaki.”
Makahulugang tumingin sa kanya si Honey. He didn’t say a word. Sa halip ay pinisil pa niya ang kamay nito habang mas lumapad ang ngiti.
Tumikhim siya. “Doc, hindi ba magandang malaki ang baby ngayon pa lang?”
“Hindi naman sa ganoon. Sometimes, nasa genes naman talaga. Like your baby, mukhang may pagmamanahan naman kung bakit malaki agad.” bumaling ito kay Honey. “Don’t forget your healthy diet, Honey. Kapag sumobra ng laki ang baby, baka ma-CS ka.”
“Mas gusto ko sanang mag-natural birth method, Doc. Plano nga din namin ni d**k na mag-attend ng special class for delivery. Saka iyong sa mga breastfeeding advocates group, gusto ko ring sumali.”
“That’s good. Mas magandang bonding iyon sa inyong mag-asawa at sa pamilya ninyo na rin. Mas nagpapatibay sa relasyon ng mag-asawa ang ganoong experience. Honey, please remember that you have to maintain the ideal weight as you go along.” She pressed a button. At nakita niyang lumabas ang print out ng ultrasound. “Iyong secretary ko na ang magbibigay ng CD copy later.”
Nang makita ni d**k na inabot ng doktor sa asawa niya ang tissue ay siya na ang kumuha niyon at pinunasan ang gel na nasa tiyan nito. Inalalayan niya si Honey sa pagbangon. At hindi na rin niya nakontrol ang sarili at niyakap ito. “We’re having a boy,” aniyang parang hindi makahinga ang pakiramdam. Totoong-totoo ang kaligayahang pumupuno sa kanya.
Nang maghiwalay sila ng yakap nakita niya ang nagbabantang luha sa mga mata ni Honey. Walang pagdadalawang-isip na inilapit niya ang mga labi doon. He kissed her tears away. Pero sa halip na tumahan na ito ay lalo pang bumalong ang mga luha nito.
“I’m sorry,” pahikbing sabi nito.
“Hush,” he said lovingly.
Nangingiti sa kanila ang doktora habang tahimik na nagsusulat ng record.
Halos hindi niya bitiwan ang kamay ni Honey habang palabas sila ng ospital. Anhin na lang niya ay buhatin pa ito. Alam niyang OA na siya pero hindi niya talaga kayang itanggi ang tuwang nasa puso niya.
“We’ll celebrate, Hon,” aniya dito nang sakay na sila ng kotse. “And is it okay if we can spend the Sunday with Mama and Papa? I’m sure sila man, matutuwang lalaki ang panganay natin. Tandaan mo, ako lang ang lalaki sa pamilya, puro mga babae na ang mga kapatid ko. Naku, malamang na ma-spoiled ito sa lahat lalong-lalo na sa lolo. A baby boy,” excited na excited na sabi niya. Hinimas niya ang tiyan nito. At hindi lang iyon. Halos tumalon ang puso niya nang maramdaman niya sa palad niya ang pagkibot ng tiyan nito. “My baby moved,” pabiglang sabi niya. “Honey, did you feel that?”
May kislap ng luha sa mga mata nito. “Oo naman. Mas malikot na nga siya lately.”
He really couldn’t contain that warm, exciting feeling. Hanggang sa nagmamaneho na siya ay pangiti-ngiti pa siya at pasulyap sulyap sa asawa.
“Nandito lang ako. Hindi ako mawawala sa tabi mo,” masuyong tukso sa kanya ni Honey. “Itutok mo iyang mata mo sa daan. Baka madisgrasya tayo.”
“Of course not. I won’t allow it,” mabilis na sagot niya. Naisip niya agad na malaki ang phobia ni Honey sa vehicular accident. Sa ganoong paraan nawala si Travis at sariwa pa sa kanilang lahat ang sakit ng pagkawala nito. Sa huli ay pinili niya ding ituon ang atensyon sa pagmamaneho.