Part 4

1561 Words
“GOMEZ, MONTOYA & Architects. How does that sound to you, d**k?” seryosong sabi ni Arch. Roberto Gomez, ang may-ari ng firm na pinapasukan niya at isa rin sa tumayong principal witnesses nila ni Honey sa kasal. Napaunat ang likod niya buhat sa relaxed na pagkakaupo niya sa kabilang panig ng mesa nito. “Montoya. As in me? Ako ba ang Montoya na tinutukoy mo?” “May iba pa bang Montoya dito sa kumpanya ko?” Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi nito. “d**k, this is long time over due. Matagal ko na ring dapat sinabi sa iyo ito pero nagpaantala lang ako nang kaunti dahil sa biglaang pagpapakasal mo.” Napatikhim siya. “What do you mean by that, sir?” Sir pa rin ang tawag niya dito gaya ng nakasanayan na niya. Kapag nasa labas ng opisina, ito pa ang nagpapaalala sa kanyang i-address niya ito bilang ninong. “Well, kung sa trabaho lang ay wala kong duda na mahusay ka. Nakita ko iyon unang araw mo pa lang dito sa kumpanya ko. Aaminin ko sa iyong nagkaroon ako ng konting alinlangan nang bigla kang magpakasal. And don’t take this as an offense. Alam naman nating lahat dito na hindi si Honey ang talagang girlfriend mo kundi si Vera Mae, hindi ba? Hindi naman sa hinusgahan kita agad pero nagulat lang ako dahil noon ko lang nakita na may side ka rin pala ng pagiging mapusok. I mean, I took your marrying as your impulsive decision.” “Sir---Ninong,” pinili niyang tawagin itong ninong dahil pakiramdam niya ay mas higit na personal ang topic nila. “Bahagi na lang ng nakaraan ko si Vera Mae ngayon.” Napatango ito. “I know. And the way I see it, masaya ka ngayon sa buhay-may-asawa mo, gaano man kamadalian ang pagpapakasal na ginawa mo. Alam mong hindi ako nagtanong ng kahit ano tungkol sa bagay na iyan. Iginagalang ko ang personal na desisyon ng mga tao ko dito. I just waited for some time, kung tama nga bang ituloy ang una kong plano. And right now, I am more than sure of what I carefully thought before.” Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. “Partner?” Nag-alangan siyang tanggapin ang pakikipagkamay nito. “Inaalok ninyo akong maging partner nitong firm?” “Why not? It’s about time, d**k. And you deserve it.” Hindi niya maipaliwanag ang tuwang naramdaman niya nang tanggapin ang kamay nito. “Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat, sir--- Ninong.” “Gaya nga ng sabi ko, you deserve it. At nakikita kong ito ang perfect na pagkakataon para maging official partner ka ng firm. Madami tayong upcoming projects. Gusto kong humarap ka bilang partner, at hindi lang bilang top architect nitong kumpanya ko.” Ibinuka nito ang dalawang kamay. “Kumpanya na nating pareho ito. Just wait for a little time at mailalagay sa legal ang lahat, to make it official.” “Medyo mahirap paniwalaan. Pero hindi mo rin naman ugaling magbiro ng ganitong bagay. ” “Sabi ko nga, siyempre, aayusin pa ng legal team natin para maiayos ang kinakailangang dokumento para sa partnership. Accounting naman ang bahala para sa money matters, gaya ng alam mo na. Ang masasabi ko lang, puwede ka nang umuwi dahil nakikita ko naman sa mga mata mong hindi ka na makapaghintay na ibalita ito sa asawa mo,” nanunuksong sabi nito. He made a celebrating laugh. “Patay tayo diyan. Alam ninyo namang iyan ang sakit ko lately. Hindi na ako makaalis ng bahay pag nadikit na ako sa misis ko. Tinamaan ako ng patay-na-patay-kay-misis virus. Malamang nito, bukas, wala na naman ako.” “I understand you. Ganyan na ganyan din ako noong bagong kasal kami at kasalukuyan ding naglilihi ang ninang mo. Halos ayoko ring umalis sa tabi niya. At saka kailan ba kita hinigpitan sa oras? Alam ko naman ang diskarte mo sa trabaho, Dick.” Tinapik nito ang balikat niya. “Pero ipapaalala ko lang din, sa dami ng projects natin, mas maging demanding na rin itong firm sa oras mo.” “I perfectly understand, sir. Kaya nga susulitin ko na itong oras na maluwag pa. This is a big deal for me. In fact, a very big deal. Hindi puwedeng hindi kami magse-celebrate ni Honey, at ng pamilya ko na rin.” “But, of course. See you on the day after tomorrow. For now, just go home and celebrate. Pagbalik mo dito, we’ll celebrate with the whole team.” “Shoot. The tab will be on me. Blow-out ko.” “That’s my boy,” he said approvingly.     “CHECK UP ko nga pala bukas, mister,” sabi niya dito habang naka-alalay sa paggayak nito. Papasok ito sa opisina. At katulad ng dati niyang ginagawa, nakaabang siya sa anumang kailangan nito. Asikasong-asikaso niya si d**k lalo ngayon na napakaluwag ng oras niya. Nami-miss niya ang trabaho niya pero mas masaya naman siya ngayon na nag-aasikaso ng tahanan nila. Sa pamamagitan ng salamin ay tiningnan niya nito. “Dating oras? Okay, sasamahan kita.” “Kahit ako na lang,” nag-aalalangang sabi niya. “Palagi mo na lang akong sinasamahan.” “Dapat lang. Kailan ka ba naman nagpa-check up na hindi ako sumama? Basta sasamahan kita, okay.” “Iba na ngayon. Di ba, mas busy ka na sa firm buhat nang maging partner ka. Routine check up lang naman ito. Don’t worry, magta-taxi naman ako. Huwag ka nang mag-absent.” Ibinaba nito ang pang-ahit at hinaplos ang bagong-ahit na balat. He dabbed an after-shave lotion and then he turned to face her. “Malalaman na natin ang gender ng baby, hindi ba? I wouldn’t miss it for the world.” Inilang hakbang nito ang pagitan nila at saka siya kinabig ng yakap. “Pinoproblema mo na lang palagi ang absent ko samantalang ikaw naman ang kasama ko pag hindi ako pumapasok,” malambing pang sabi nito. “Siyempre naman. Alam naman nating kailangan sa buhay natin ang trabaho.” “Exactly. Kaya nga pinagbubuti ko ang pagiging partner ng firm.Malaking break iyon sa career ko at ayaw kong sirain ang tiwalang ibinigay sa akin.” “Eh, a-absent ka na naman. Sabi ko naman sa iyo, kaya ko nang magpa-check up mag-isa.” “Naiayos ko na ang meeting schedules ko sa mga clients namin. Blocked date na ang lahat ng schedules ng pre-natal check up mo. At sa estimate due of delivery mo, one week before pa lang, nag-file na ako ng leave. Ayokong abutan ka ng sakit ng tiyan na malayo ako sa tabi mo. Sabay tayong maghihintay sa oras ng pagsilang niya sa mundong ito. Alam mo namang kayo ang priority ko. Mahal na mahal ko kayo.” “Love won’t keep us alive,” biro niya, but deep inside, kilig na kilig siya. Hindi siya magsasawang marinig mula dito ang pagmamahal nito sa kanilang mag-ina. Sana nga ay hindi ito mapagod sa sabihin sa kanya ang mga ganoong salita. “At sino naman ang may sabi sa iyo? Kaya nga ako nabubuhay dahil sa pag-ibig mo.” Parang kinikiliti na tumawa siya. “Ay, grabe ka, d**k. Huwag ka ngang ganyan. Kinikilabutan ako sa iyo. Huwag kang humuhugot ng ganyan,” kantiyaw pa niya. “Aba, uso iyong mga ganyang hugot-hugot ngayon, eh. Kahit sa office naririnig ko silang ganyan. Pero alam mo bang mas gusto ko iyong kabaligtaran niyon?” Kinabig pa siya nito hanggang sa maging dikit na dikit ang harapan nila. “Iyong bumabaon,” bulong nito sa mismong tenga niya. He made the push and pull movements against her round belly.  Kulang na lang ay mapaigtad siya sa epekto sa kanya ng ibinulong nito. At lalo na sa ginawa nito. Nakairap na hinampas niya ito nang magaan. “Here we go again. Tapusin mo na nga iyang pagbibihis mo. Remember, office day ngayon?” Kumalas siya dito pero sa halip ay lalo pa siya nitong kinabig. “One round before I go, hon,” nang-aakit na sabi nito. Bumaba sa balakang niya ang hawak nito at masarap na humimas doon. “Hay, naku! Hindi puwede. Nakabihis ka na. Sayang ang damit. Ang hirap kayang mamalantsa,” eksaheradong sabi niya habang nakatanaw ditong mabilis na hinuhubad ang pang-itaas. “We can always hire a house help. Ikaw lang itong mapilit na solohin ang lahat.” “Saka na lang tayo kumuha ng stay-in na kasambahay kapag nakalipat na tayo sa totoong bahay.” “Ikaw ang bahala. Unahin muna nating pagtuunan ng pansin ito.” In quick seconds, he managed to bring her to bed. Mabilis nitong nakalas ang sinturon at bumagsak ang slacks nito sa paanan. “Matitiis mo ba akong ganito?” Kunwa ay nagpaawa ito sa kanya. His erection was on her eye-level. She swallowed. That hard-on never ceased to amaze her. May kislap ang mga mata na hinila niya ang panloob nito pababa. “Kundi lang ako naaawa sa iyo,” tudyo niya. But her movement said otherwise. She loved him with her hands and lips. Wala na silang pakialam sa pagdaan ng mga oras. Minsan pa, halos maubos ang kalahating araw na nakatuon lang ang atensyon nila na mapaligaya ang isa’t isa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD