“PARA SAAN ang flowers?” gulat na sabi ni Honey nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Ngumiti siya pero mas naramdaman niya ang emosyong muli na namang umaahon. Akala niya ay napakalma na niya ang sarili. Pinagbigyan na niya ang sarili na umiyak. Ayaw niyang magmaneho na hindi niya kontrolado ang kanyang emosyon kaya nagpalipas pa siya ng oras. Bago tuluyang umuwi, nagdaan pa siya sa flower shop para ibili ng pasalubong si Honey. At ngayong nakaharap niya ang asawa, parang nauulit na naman ang pagiging emosyonal niya. Bahagyang nanginig ang kamay niya nang iabot iyon. At hindi siya nakapagpigil at niyakap ito nang mahigpit. “d**k, anong nangyari sa iyo? Okay ka lang?” nagtatakang sabi nito. Hindi siya nahiyang umiyak. Hinayaan niyang bumukal ang pinipigil niyang emosyon. Gumanti ng yaka

