“HONEY, dumaan muna tayo sa bahay natin,” aya niya sa asawa nang paalis na sila sa mansyon. As usual, basta araw ng Linggo ay dumadalaw sila roon para sa sama-sama nilang pananghalian. Inabot na nga sila roon ng oras ng meryenda at pinipigil pa sila ng mama niya na doon na rin sana maghapunan pero tumanggi na siya. May balak siyang iba. “Akala ko, hindi pa puwedeng pumunta doon uli?” Kumunot ang noo ni Honey pero mas mabilis na gumuhit sa mukha nito ang excitement. “Gusto ko nga sanang mag-aya sa iyo doon.” “Kaya nga pupunta na tayo.” It was a three-storey house in a six-hundred square meter lot. Siyempre pa ay siya mismo ang nag-disenyo at nag-supervise sa construction niyon. Nasa finishing stage na ang bahay. At kahit alam niyang gustong puntahan ni Honey iyon ay siya ang kumokontra.

