Stacy's POV
“Anak, sino ba ang bisita natin at naghahanda tayo ng ganito?”
Napalingon ako kay mama kasabay ng pagngiti ko ng misteryoso sa kaniya, hindi ko kase sinasabi na pupunta si Dos.
Ipapakilala ko na siya kay mama at kay Ryxsz ngayong araw.
It's been a weeks, since he proposed to me, and we just decided na ipakilala muna siya kay mama bago ako na ipakilala niya sa parents niya.
“Anak,” muling pagtawag ni mama sa akin.
Napailing na lamang ako.
Kasabay ng pag-aayos ko ng plato sa hapag-kainan.
Nakapagluto na rin ako.
Hihintayin ko nalang si Dos.
Nakangiti akong naglibot ng paningin, lahat inisa-isa kong i-check, nang makita kong lahat ay handa na, mas lalo akong napangiti.
Mabilis akong umupo sa sofa, bigla namang tumabi sa akin si Ryxsz at mama.
“Ate, sino ba bisita naten?”
“Anak? Bakit hindi mo sabihin para alam namin pakikitungo namin sa kung sino man bisita mo,” sambit ni mama.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila at hindi ko napigilan ang mapangiti.
“Thank you, Ma,” nakangiti kong sambit kasabay ng pagtitig ko sa kaniya, “Ryxsz, salamat din,” sambit ko naman sa aking kapatid.
“Ate, bakit hindi mo sabihin sa amin kung sino bisita mo? Siguro lalaki 'yan 'no?” pang-aasar na sambit niya.
Napangiti na lamang ako, “It's a secret, surprise nga e. May surprise bang sasabihin?” kunot-noo kong sambit.
“Pa-surprise surprise ka pa riyan e, di nalang sabihin, ang dami mong alam ate e.”
Nagtawanan kami sa pagbibiro niya.
Sandali akong napasilip sa orasan, it's quarter twelve, twelve noon kase ang usapan namin ni Dos.
May fifteen minutes pa naman, kaya hihintayin ko nalang siya.
“Anak, sabihin mo na kase...” pangungulit ni mama.
Hindi ko napigilan ang mapahagalpak ng tawa, ang kulit kase nilang mag-ina, pfft.
__________
Dos's POV
Nakangiti akong naghahanap ng bulaklak, kasalukuyan kase akong nasa flower shop.
Naghahanap ng bulaklak na puwedeng ibigay sa mother ni Bonita, sana lang ay magustuhan niya.
Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako, it's my first time, na humarap sa magulang ng babaeng mahal ko.
Nakakakaba.
But still, the adrenaline rush is all over my body.
“May I ask Sir, kanino niyo po ibibigay ang bulaklak?” malumanay na pagtatanong ng babaeng nasa unahan ko.
“Sa mother ng fiancée ko.”
Kakaiba pa rin sa pakiramdam kapag tinatawag ko siyang fiancée ko. Ang sarap sa pakiramdam, alam mo 'yung parang kinikiliti ka tapos sobrang sarap sa pakiramdam. Gano'n na ganon ang pakiramdam ko sa tuwing binabanggit ko na fiancee ko siya.
“Sobrang swerte ni ma'am sa inyo, Sir. Sana all po ganiyan gaya niyo ang magiging partner ko soon.”
Naputol ang pag-iisip ko ng marinig kong mag salita ang babaeng nasa unahan.
“Ha?”
“I mean Sir, kilig na kilig po kase kayo habang sinasabi niyo na fiancée niyo po siya, ngiting-ngiti po kayo e, halatang mahal na mahal niyo po. Nakakainggit po kung sino man po iyon, sana all na lang.”
Napakamot ako sa aking ulo sa narinig kasabay ng pag ngiti ko ng matipid.
“Well, I am. I love her so much, at ngayong araw kase ang opisyal na ipakikilala ako ng fiancée ko sa mother niya but before that, I want to give her mother a flower that will suits her.”
“Well then, if that's the case, let me suggest our White Roses, kapipitas lamang ng mga ito, kaya sobrang fresh pa.”
Kasabay noon ang pagpunta namin sa harapan ng mga white Roses.
“White roses are another fitting gift for mothers, as they symbolize purity, innocence and are often connected to spiritual love. There’s nothing purer than the love between a mother and her child, and since you'll become her son in-law, this flower will fit the both of you.”
Sunod-sunod akong napatango, kasabay ng pagsilip ko sa aking relos na nasa aking bisig.
I don't have a time, I already have fifteen minutes left.
Usapan namin ni Bonita ay Twelve noon.
It's already eleven forty five in the morning.
“Okay, I'll take it. Please wrapped it well.”
“As you say Sir, paki hintay na lang po sa lobby.”
“Alright.”
“How would you want to pay?”
Mabilis ko namang iniabot ang card ko sa kaniya.
Sumunod lang ako sa kaniya, iginiya ako sa lobby kung saan usually naghihintay ang mga customer.
Sa totoo lang, regular ako ditong customer, everytime na mother's day, bumibili rin kase ako para kay Mom and kay Grandma.
Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa maabot sa akin ang card kasama ng bouquet of flowers.
Well, it looks elegant, tamang-tama lang sa mother ni Stacy.
Napangiti na lamang ako.
Kasabay ng paglabas ko ng store, Abala ako sa pagtitig sa bulaklak ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Hindi ko 'yon pinansin.
Mas mahalaga ang pupuntahan ko ngayon kaysa higit kanino.
Ngunit nakasakay na ako't lahat-lahat ay paulit-ulit na nag ring ang cellphone ko, kaya sa inis ko ay sinilip ko yon.
At gano'n na lamang ang pagkayamot ko ng makita kong si Zelle 'yon. Inis kong inihagis sa passenger seat ang cellphone ko.
Inayos ko ang pagkakaupo ko kasabay ng pag-start ko ng engine.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkayamot ko ng biglang mag-ring ulit ang cellphone ko. Kaya naman ay pigil ang inis kong kinuha ang cellphone.
What the f**k she need this time? Fuck...
Kaya naman bago pa ako magwala sa inis ay sinagot ko ang tawag niya.
“Zelle, ano bang problema mo--”
“K-Kuya...”
Napa-straight ako ng pagkakaupo ko sa driver's seat ng marinig ko ang boses ni Zia, Zelle's younger sister.
“Zia? What happened? Why are you crying?”
“Ate is going crazy... S-She's slowly killing herself.”
“W-What?”
“M-Maraming bote na ininom niya, naglaslas na rin siya, and now, she wanted to hang herself.”
Nataranta ako sa narinig, mariin akong napapikit.
“Nasaan kayo?” labas sa ilong kong pagtatanong.
“Nasa Bahay po, K-Kuya Dos... T-Tulungan niyo po ako, hindi ko na po alam ang gagawin ko kay ate, h-hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung may mangyari man kay ate, K-Kuya...”
“Shhh, stop crying, Zia--”
“K-Kuya paano na ako pag iniwan ako ni ate? Who would raise me? Ate is all I got... Pag nawala pa siya, I don't think I can survive alone...”
“Huwag kang mag-isip ng ganiyan, I'll be there in a minute. Don't let your ate do anything that can harm her, puwede ba 'yon Zia?”
“S-Sige po kuya.”
“Alright, now wipe your tears and be strong. Pakatatag ka para sa ate mo, I'll be there and wait for me.”
“S-Sige po kuya Dos...”
Binaba ko ang linya. Mariin akong napapikit at napahampas sa manobela.
Fuck.
May importante akong lakad ngayon, hindi ko puwedeng i-cancel, naghihintay si Bonita sa akin at maging ang pamilya niya. I can't messed it up. f**k!
Inis akong napasuntok sa manobela.
“What the f**k is this? Zelle... f**k, Zelle... Baka ako ang makapatay sa iyo.” inis kong sambit.
Malalim akong napabuntong hininga at nag-isip ng mabuti, what should I do?
Sa totoo lang, hindi ko na naman sakop kung ano mang mangyari kay Zelle, 'cause we're done. We already end it officially, though wala kaming naging pag-uusap na maayos.
Pero masasabi ko naman na nai-klaro ko sa kaniya ang lahat bago kami maghiwalay ng landas.
But I can't just ignore Zia, she's like a sister to me, and just what like she said, paano na lang siya kung may mangyaring masama sa ate niya? Si Zelle kase ang tumayong ina niya.
Zelle is a popular model, international. Hindi ko nga alam kung bakit sinasayang niya oras niya sa gaya kong gago.
“f**k!” frustrated kong sambit.
Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nagmamaneho at tinatahak ang daan papunta kila Stacy.
Kailangan kong pumunta sa kanila, hindi puwedeng pumalpak na naman ako.
Mariin akong napapikit ng aking mga mata.
Ngunit habang nagmamaneho papunta sa kanila ay para bang bawat distansya na papalapit ako sa kanila ay padagdag ng padagdag 'yung bigat sa dibdib ko.
Para bang nagbubuhat ako ng ilang sako na sama ng loob.
Guilt is slowly eating me.
Kinakain ako ng konsensya ko kahit na hindi naman dapat.
Kaya naman kahit sobrang labag sa dibdib ko na lumiko ay ginawa ko, hindi ko kayang may mamamatay nang dahil sa akin.
Specially kung may maapektuhan na ibang tao. Si Zia ang kawawa rito.
“Fuck... Bonita, I'm so sorry...”
I tried to call her, ngunit hindi niya sinasagot.
Maiintindihan niya naman siguro ako, magpapaliwanag na lang ako mamaya, sa ngayon kailangan kong mapigilan si Zelle.
After this, sana matahimik na buhay ko. I regret everything, sana hindi ko nalang pala siya pinatulan. It's my f*****g mistake.
I shouldn't run away, it's my responsibility and I need to take care of it.
Fuck! Bonita, I'm really sorry...
__________
Stacy's POV
Saktong twelve noon na, he should be here by now.
Hindi ako mapakali.
Kaya naman ay sandali kong sinilip ang cellphone ko na nasa gilid.
At gano'n na lamang ang pagkagulat ko ng makita kong nag missed call si Dos, three minutes ago.
Kaya naman ay mabilis ko siyang tinawagan.
Ngunit hindi nag ri-ring.
Ano kaya ang problema nito? Baka may nangyari na sa kaniya.
Sunod-sunod ko siyang tinawagan ngunit hindi ko pa rin siya makontak.
“Anak, darating ba ang bisita mo? Twelve fifteen na.”
“Oo nga ate, nagugutom na din ako, hindi kaya ako kumain ng almusal na madami para makakain ako ng marami ngayong tanghalian kase nagluto ka ng mga masasarap na putahe.”
“Maya-maya kaunti, ma, Ryxsz...”
“Sige lang anak,”
“Tsk, ang tagal ate.”
Hindi ako mapakali, pakiramdam ko ay may mangyayari na namang kakaiba. What is this feeling? Ngayon ko lamang ito naramdaman.
Nakakapanibago at uncomfortable sa pakiramdam.
Naghintay ako ng naghintay hanggang sa umabot na ng isang oras.
“Anak...”
Paglapit sa akin ni mama.
Kitang-kita niya kase na kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa living room.
“Mauna na kayong kumain, Ma... Hihintayin ko po siya.”
“Anak...”
“Darating siya Ma, nangako siya e...” basag ang boses kong sambit.
Napatitig na lamang sa akin si Mama, kitang-kita ko ang pagkaawa sa kaniyang mga mata kaya nama napayuko ako.
Nahihiya ako sa kanila. ang yabang ko rin kase e, hindi pa ako nadala... paulit-ulit na lang, Dos keep disappointing me...
______________
Third person's POV
“Zia! Nasan ang ate mo?”
“K-Kuya Dos... Nasa kuwarto niya po siya.”
Mabilis na naglakad ang binata palapit sa kaniya.
“Zelle, it's me. Dos, please open the fuckin' door.” galit na sambit ng binata.
Mayroon siyang importanteng lakad ngayon, talagang mauubos ang pasensiya niya kung mag-iinarte pa ang babae.
“Zelle!” inis niyang sambit.
“D-Dos?”
“Oo, ako ito. Kaya pakiusap, hangga't nagtitimpi pa ako, pakibukas ng pinto...” pigil ang inis niyang sambit sa dalaga.
“A-Ayoko...”
Mariing napapikit ng mata ang binata sa narinig, sa dami ng pagkakataon na puwedeng mag-inarte ang babae ay bakit ngayon pang may importante siyang lakad.
Anong oras na, maghahapon na ngunit ito pa rin siya sa harapan ng pinto ng dalaga, ayaw siyang pagbuksan.
“Zelle... Please, fuck... I have important meeting now, please open this fuckin'door or I'll break it.”
Kanina pa nagtitimpi ng pasens'ya ang binata. Kanina pa siya kumakatok ngunit hindi siya pinagbuksan ng dalaga.
Mariin na lamang siyang napapikit ng mata, it's already three in the afternoon, maghahapon na... Ngunit nandito pa rin siya.
Sa inis niya ay malakas niyang sinipa ang seruda ng pinto.
Nagulat ang kapatid ng dalaga na si Zia ngunit hindi niya pinigilan pa ito.
Ilang beses pang sinipa ng binata ang pinto hanggang sa masira ang lock nito.
Kaya naman malakas niyang binuksan ang pintuan.
Pagkabukas ay bumungad sa kanila ang dalaga na nakatayo sa upuan at nakasabit ang tali sa leeg.
Sa gulat ng mabuksan nila ang pinto ay nadulas siya, dahilan para mawalan siya ng suporta sa baba at nagsimulang manikip ang dibdib niya.
Kaagad na nawala ng dugo ang ulunan niya, nasaksihan iyon ng nakababata niyang kapatid at ni Dos.
“f**k!” mura ng binata ng masaksihan iyon.
Kaya naman bago pa siya tuluyan na masakal ay mabilis na tumakbo ang binata at hinawakan ang paa niya upang bigyan siya ng suporta.
To be continued...
K.Y.