Pagdating na pagdating ko sa bahay, nakabaluktot na naman na parang bata na nilalamig sa ibabaw ng sofa ang aking asawa na si Dahlia ng nadatnan ko. Kaya naman nagmamadali akong naupo sa sahig at tinitigan ko lang ito habang natutulog ng malalim at humihilik pa ng mahina. “Baby,” tawag ko dito. Wala akong narinig na sagot, kaya naman binuhat ko na ito patungo sa aming silid. “Hero, nababaliw na kaya ako?” humihikbi na tanong nito sa akin matapos ko mailapag sa ibabaw ng aming kama. “Ang ganda mo namang baliw,” pagbibiro na sagot ko dito na ngumuso sa akin, sabay inismiran ako at kinagat pa sa aking balikat. “Ouch baby!” reklamo ko, kaya't binitiwan nito ang pagkakakagat sa akin. “Pag wala ka dito sa bahay nalulungkot ako at naiiyak. Pag nandito ka naman, naiirita ako sayo. Gusto ko

