Magkatabing nakaparada ang sasakyan namin ni Charles sa harap ng malawak na bakanteng lote kung saan paboritong tambayan namin noon nina Leo. Tatlo kami dito na madalas tuwing walang pasok o bored noong koleheyo kami, diretso agad sa lugar na ito. Kung saan tahimik at malayo sa ingay ng siyudad. “Sorry, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo para mapatawad mo ako, kundi sorry lang talaga,” pagbubukas ni Charles ng usapan. Hindi ako umimik at nanatili akong nakaupo sa harap ng aking sasakyan at nakatingin sa malawak na damuhan. Hindi ko din kasi alam kung ano ba ang dapat ko isagot. Sa taon na nagdaan, totoong namiss ko din itong kaibigan ko na ‘to. Pero hindi mawala sa isip ko, na mas pinili pa rin nitong itago ang kanyang relasyon kay Jessica, na numero uno naming kalaban. Humit

