CHAPTER: 23

1129 Words

“Bakit?” nakasimangot na pinag-buksan ko ng pinto si Raquel. “Baka akala mo honeymoon mo simula kahapon hanggang ngayon? Yung nanay mo tumawag sa akin dahil umiiyak na ang anak mo. Ikaw ang hinahanap at ako lang ang kilala. Kinulong mo kasi sa bundok, naghahanap tuloy ng huni ng mga hayop. Walang tulog yung dalawang kasama mo dahil ayaw magpababa ng anak mo,” halos hindi huminga si Raquel dahil dire-diretso ang daldal. “Para kang hindi doktor. Kaya ka walang asawa ‘e. Ang bungangera mo masyado,” sabi ko dito na sumimangot. “Tse! Dala ko ang anak mo, nasa labas. Kunin mo na. Nandito din kasama ko ang magkapatid na katutubo. May trabaho pa ako Dahlia at may pamilya na binubuhay. Masyado ka, namemersonal ka ah! Pag ako pinakasalan ni Austin, who you ka sa akin.” sabay ismid nito sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD