Maagang pumunta sina Candie at Sophie sa school. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang sakit sa kanilang mga puso dahil sa pagkawala ng kanilang kaibigan. Nilalamon pa rin sila ng sobrang kalungkutan. "Besh, alam mo simula ng mawala si Hya, parang hindi na nakakaganang pumasok ng school. Bawat paglingon ko at kahit saan ako pumunta ay para naaalala ko siya," matamlay na pahayag ni Candie. Halos walang araw na hindi nila naaalala ang kanilang kaibigan. "Ano pa nga ba, kailan kaya tayo makaaalis sa madilim na pangyayaring iyon? Siguro, habangbuhay tayo magiging malungkot," tugon ni Candie habang nakatingin sa kawalan. "Pero naaawa talaga ako nang sobra kay Cedric, hanggang ngayon hindi niya talaga matanggap ang nangyari," sambit ni Sophie. Naglalakad sila sa labas ng building nan

