Hya's Point of View "Love, ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa magiging anak natin tungkol sa 'kin. Ma-mi-miss ko kayo," namamaos na sambit niya. "Oo naman, Love. Sino kaya ang kamukha niya, ano?" sabi ko. Nararamdaman kong pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko sa 'king dibdib, parang kinakapos ako ng hininga pero hindi ko lang pinapahalata kay Ced, dahil alam kong yayayain niya lang akong bumalik na kami ng hospital. "Syempre, 'yong poging Daddy," he said, at ngumiti ng nakakaloko. Ang pogi talaga ng mahal ko kahit alam kong pinipilit niya lang ang sarili niyang ngumiti. "Ang daya naman kung gano'n, ako na nga 'yong nagbuntis tapos magiging kamukha mo lang," pagtatampo kong sambit sa 'kaniya. "Hindi naman magiging madaya Love, kasi isipin mo, nnangginawa natin 'yan ako 'yong

