Kaba at saya ang nararamdaman ni Candie dahil araw ng kasal niya ngayon. Ito ang pinakahihintay niya sa buong buhay niya ang ikasal sa taong pinakamamahal niya. Hindi naman siya nabigo na si Greg ang lalaking minahal niya. Halos ginagawa nito ang lahat para sa kaniya at sa anak nila. Napakaganda ng suot nitong wedding gown. Magarbong-magarbo ang kasal. Ito ang pinakhihintay niyang mangyari sa buong buhay niya. Maid of honor si Sophie at best man naman si Tristan. Mayroong red carpet at marahang naglakad doon si Candie habang kasama ang kaniyang mommy niya at ang bago nitong asawa. Si Greg naman ay naghihintay sa may altar. Napaiyak ito dahil sa wakas, napakasalan niya na ang babaeng pinakamamahal niya sa buong buhay. Bawat ngiti sa kaniyang mga labi at luha mula sa kaniyang mga mat

