Nag-iiyakan sila at kapwa'y nakasuot ng itim. Hindi maintindihan ang kanilang nararamdaman. Ito na ang huli-huli nilang pagkikita sa loob ng paaralan. "Happy Graduation!" Idinaos ang isang malaking seremonya sa Mendez University para sa pagtatapos ng fourth year students. Kapwa silang nakangiti sa isa't isa, at hindi mapigilan ang kanilang mga sariling mapaiyak dahil sa sobrang tuwa. "Besh!" Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ni Candie para kay Sophie. "Graduate na tayo, sa wakas!" "Oo nga, Besh! Congrats, sa 'tin!" sambit ni Sophie. Kasama nila ang kani-kanilang mga magulang. "Besh, ano bang nangyari kay Eunice?" takang tanong ni Candie. "Ewan ko, Besh. Baka sobrang saya niya lang talaga," sambit nito. "Waaaaah! Waaaaah!" iyak ng isang babaeng estudyante. Napunta sa kaniy

