Lumipas ang mga araw na malungkot na malungkot si Sophie. Hindi nagpaparamdam si Tristan sa kaniya. Naiintindihan niya naman pero labis na na-mi-miss niya na ito. Gusto niya ng makita ng binata. Araw-araw ay nag-iiwan siya ng messages sa messenger kahit hindi iyon sini-seen. Maaga siyang pumunta sa school dahil hindi rin naman siya makatulog at siguradong mag-o-overthink lamang siya. Naupo siya sa bench. "Hindi ka mapapagod, Sophie. Hindi!" sabi niya sa kaniyang sarili. Naiinip na kasi siyang maghintay. Hindi pa naman siya sanay nang long distance relationship at isa pa, wala silang komunikasyon ng binata. "Uy, Sophie! Kumusta na?" bungad sa kaniya ni Leigh Garcia. "Hi, Leigh! Ayos lang naman ako, ikaw ba?" tanong niya. "Ayos lang din. Nasaan ba si Candie?" tanong nito. "Ah, wala p

