Badtrip na badtrip si Sophie dahil hindi sinasagot ni Tristan ang mga tawag niya. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari. Tinadtad niya na rin ito ng chats at text messages pero wala pa ring Tristan na nag-re-reply. Mukhang nabibigo na naman siya sa mga nangyayari. Buong akala niya ay magiging maayos na ang lahat tungkol sa kaniyang love life pero parang mas pinahihirapan lamang siya. Naisipan niyang tawagan si Candie upang patanungin kay Greg na baka sakaling may alam ito tungkol ginagawa ngayon ni Tristan. "Hello, Besh. Pasensiya kung tumawag ako ngayong gabi. Hindi ako makatulog dahil kanina pang hapon na hindi sinasagot ni Tristan ang mga tawag ko, chat and text messages ko," bungad niya kaagad kay Candie sa kabilang linya. "Sige, Besh. Sandali lang ha? Tatanungin ko lang si

