"Oh, bakit parang ang saya mo ngayon? Ano bang nakain mo kaninang umaga?" taas-kilay na tanong ni Candie. "Basta, masaya lang talaga ako ngayong araw," tugon nito at hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya. "Basta?! Ano nga? Ito naman, parang hindi mo ako kaibigan!" pagtatampong pakli niya rito. "Besh, alam mo bang sinurpresa ako ni Tristan kagabi? Feeling ko parang prinsesa talaga ako dahil sa ginawa niya, Besh. s**t! Napakagwapo niya at napaka-romantic kagabi," kuwento nito. "Talaga? Kaya pala ngiting-ngiti ka riyan at isa pa, ang aga mo kaninang dumating dito sa school, ah. Himala," sambit niya. Nasa café silang dalawa ngayon upang kumain ng pananghalian. "Syempre, siguro ganito talaga kapag in love. Alam mo Besh, kinantahan niya pa ako kagabi at ang ganda ng boses niya!

