Pagkatapos mag-shower ni Sophie ay nagbihis agad siya dahil pupunta pa siya sa Royal Meadow upang magkita sila ni Tristan. Nagsuot siya ng casual dress na ang kulay ay old rose at nagsuot din siya ng stilettos. Nakapa-disente ng dalaga pagdating sa lahat ng bagay. Kailanman ay hindi siya nagsuot nang basta damit lamang. Pagkatapos niya ay dumiretso kaagad siya sa kaniyang kotse. This time, siya na ang nagda-drive ng kaniyang kotse kapag may pupuntahan siyang gala o importanteng bagay. Kapag nasa school lang siya nagpapasundo at nagpapahatid sa kaniyang driver. Pagdating niya sa Royal Meadow ay tumungo agad siya sa lobby at naupo. May lumapit sa kaniyang isang babae. "Good Evening, Ma'am! Are you Sophie Alvarez?" tanong nito sa kaniya. "Yes, I'm Sophie Alvarez. Why?" tanong niya sa

