Maagang pumunta si Cedric sa bahay nina Chloe. May dalaga siyang bulaklak. Ito na ang unang araw para muling ligawan niya ang unang babaeng minahal niya. Ngayon, ay tanggap niya na talagang wala na si Hya, hindi na ito babalik kailanman. Nakausap na rin ni Ced ang Mommy at Daddy ni Chloe. Tuwang-tuwa ito sa naging desisyon ni Ced. Palihim na hiningi niyang muli ang kamay ni Chloe sa mga magulang nito. Nangako siya na alalagaan niya ito at pakakasalan. Nang makarating na siya sa bahay nina Chloe ay naabutan niya itong nakaupo sa sala. Napatulala ito nang makita siya. "Hi! Bulaklak para sa 'yo," sambit ni Ced kasabay ng pag-abot niya ng bulaklak rito. Nanatiling nakatulala si Chloe. Marahil ay nabigla siya sa nangyayari. "Sigurado kang para sa 'kin ito?" paninigurado pa nito. "Oo nam

