"Hi, Mom!" bati ni Cedric sa kaniyang Mommy na ka-video call niya. "Hi, Hijo! Kumusta ka na riyan?" tanong nito sa kaniya. "Ayos lang po, Mom. Si Daddy po nandiyan?" tanong niya. "Oo, Hijo. Sandali, tatawagin ko lang siya," tugon nito. Handan na siyang sabihin sa kaniyang mommy at daddy na may anak na siya. "Oh, Hijo, kumusta?" bungad ng daddy niya sa harap ng camera. "Ayos lang po, Daddy. Siya nga po pala, may sasabihin ako sa inyo ni Mommy," sambit niya. "Ano 'yon, Hijo?" tanong ng daddy niya. Ang mommy niya ay nakikinig lamang. "Dad, Mom, hindi pa po ako makakauwi riyan sa Pilipinas," anunsyo niya sa mga ito. Nalungkot ang mukha ng daddy at mommy niya. "Bakit naman, Hijo?" matamlay na tanong ng kaniyang mommy. "Mahabang kuwento po. Ganito po kasi 'yon, nakita ko si Chloe

