CHAPTER 27

1481 Words

Nang makarating ako sa farm nila Basty ay mabilis akong tumakbo papunta ng factory nila. Napunta ako roon na wala ng tao. Tanging mga trabahador lang nila ang nandoon. "Si Basty po?" tanong ko sa isang trabahador nila. "Kaaalis lang po ma'am," sagot nito sa akin. "baka umuwi na po 'yon." Tumango ako bago lumabas ng farm. Sumakay ulit ako ng tricycle at pumunta sa bahay. Baka nandoon na si Basty dahil tanghali na at sabi niya na sabay kaming kakain. Nakarating ako ng bahay. Nagbayad ako sa tricycle driver at pumasok ng bahay. Nakita ko si Basty na nasa kusina, nagluluto. Ngumiti siya nang makita akong pumasok sa kusina. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Tapos na kayo ni Mads? Nasaan ang nabili mong halaman?" malambing na tanong niya at humiwalay sa akin. "Nasa lamesa," sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD