Nagising ako kinabukasan na wala ulit si Basty sa tabi ko. Bumangon at lumabas ako ng kwarto. Nakita ko siya na nasa dining table at nakahawak sa ulo niya. May kape na nakalagay sa lamesa. Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan na p'westo sa likod. Hinawakan ko ang sintido niya at marahan na minasahe iyon. "Getting better?" tanong ko habang patuloy na minamasahe ang sintido niya. "Hmm..." marahan siyang tumango at uminom ng kape. "Bakit ka naman kasi na lasing kagabi? ‘Yan tuloy masakit ang ulo mo." "Nag-celebrate lang kami dahil tapos na ang farm nila Jade. It means tapos na ang field study namin para sa project." Nang matapos ako sa paghihilot ng sintido niya ay umupo ako sa tapat niya. "Basty, wala ka bang na aalaala kagabi?" tanong ko. Clueless siyang tumingin sa akin. Parang pili

