CHAPTER 5

1249 Words
Kinabukasan maaga akong nagising dahil as usual ay may pasok. Simula kagabi ay hindi na ulit tumawag si Aaron sakin. Sana lang talaga umalis na siya dito dahil kinakabahan ako sa uri ng tingin niya kay Basty kagabi. I know him so well and we've been together for 3 years kaya alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Naligo na ako at hinanda ang mga gamit ko. I decided to wear a black fitted leggings and casual blue t-shirts and pair it up with a white high top Converse shoes. I put some makeup on my face. Kaunting foundation at blush on and then a lip balm. Nakalugay ang dark brown kong buhok. Napangiti ako ng makitang presentable na ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang kulay orange na ratfire backpack ko sa kama kasama ang brown envelope na naglalaman ng project ko para sa arts subject namin. Pag-labas ko sa gate ng bahay ay nakita ko si Lola Sonya. "Lola, ano pong kailangan niyo?" Tanong ko. Ngumiti siya sakin. "Wala naman, Hija. Gusto ko lang sabihin na meron ka ng makakasama sa bahay." "Talaga po?" "Oo, bukas siya lilipat diyan." Aniya. "Sige na at baka malate ka pa sa eskwela mo. Iyon lang ang sasabihin ko." "Sige po. Ingat po kayo, Lola." Sabi ko at umalis na. Dumating ako sa school na konti lang ang tao. Sa cafeteria kami magkikita nila Martinez at Mads. Naglalakad ako papuntang cafeteria ng may humaplot ng dala kong envelope. "Ano 'to?" Nakangising si Basty ang bumungad sakin. Sumama ang mukha ko. "Akin na yang project ko!" Sambit ko at pinilit na kunin sa kanya ang envelope kaso anong laban ko sa kanya eh, matangkad siya. Tumakbo siya papalayo sakin at benelatan pa ko. "Ayoko! Habulin mo muna ako!" At tumakbo na siya ng tuluyan. "Lagot ka sakin pag-nahuli kita!" Sigaw ko at hinabol siya. Napatingin ang ibang estudyante sakin pero wala akong pakialam. Hinabol ko si Basty pero hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Hinihingal ako ng huminto sa tapat ng library. At ang kumag, wala talaga. Inis akong pumunta sa cafeteria at nadatnan ko sila Martinez at Mads doon. Umupo ako sa katapat nilang upuan. "Anong nangyari sayo, Snow?" Tanong ni Martinez. I rolled my eyes. "Iyang kaibigan niyong si Basty, trip na naman ko!" Inis na sambit ko. Natawa si Madison. "Hindi ka pa masanay kay Sebastian." "Eh, paano kinuha niya yung project ko sa arts subject natin!" Napa padyak ako. "Ibabalik naman iyon ni Basty sayo kaya don't worry." Ani Martinez. "Chill ka lang diyan. Kumain ka muna." I sigh before I stand up and go to the counter to order some food. I ordered an Egg Sandwich and pineapple juice. Bumalik ako sa upuan at kinagat ang Egg sandwich na inorder ko. "Nga pala Snow, sama ka sa field trip ng school natin ah?" Maya-maya ay sabi ni Martinez. "Kailan? Saan yan?" Tanong ko. "Tsaka, wala namang ina-announce na mag field trip ah." "Every last month of November, laging may field trip ang St. willford." Ani Martinez. "Iyon ang ina-abangan ng mga graduating kasi next month December na at mag se-sem break. 3 days yun sa Baryo Maligaya." "Sama kana, para makapag relax ka. Maganda doon!" Sambit ni Mads. "3 days eh, may trabaho pa ko." Ani ko. "Mag-paalam ka nalang na magli-leave ka ng 2 days. Balita ko sa Friday ang alis natin." Sabi ni Mads at uminom ng mango juice niya. "Sige, try kong magpaalam." Nakangiting sabi ko. "Wag mong i-try. Gawin mo talaga tsaka mabait naman yung manager mo, kaya papayagan ka non!" Pag kumbinsi ni Martinez sakin. "Oo na! Ang kulit niyo!" Ani ko at kinagatan ulit ang egg sandwich ko nang may tumabi sa 'kin. "Oh, project mo." Si Basty iyon at nilagay sa table ang envelope ko. Buti na lang at walang gusot ang envelope dahil pangit tingnan kung meron. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain ng sandwich ko. "Basty, sasama ka ba samin sa Baryo Maligaya next Friday?" Tanong ni Mads. Tumingin muna sa akin si Basty bago sumagot. "Sasama ka?" Tanong niya sa'kin. "Oo," Sagot ko. "Bakit?" "Wala naman. Since sasama ka, sasama rin ako." Nakangiting sambit niya. "Wala pala eh, bakit mo pa ko tinatanong?" Mataray na tanong ko. Tinignan niya ko. "Gusto ko lang na lagi kitang nakikita." Aniya at kinuha ang sandwich na kinakain ko. "Akin na lang 'to ah?" Dugtong niya at kinagatan na ang sandwich. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bigla kasing uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Isa lang naman ang ibig sabihin niya do'n. Kasi mang-aasar lang siya. Yun yo'n! Pero iba parin ang impact sa 'kin ng tingin niya. "Ang smooth no'n, Sebastian!" Natatawang pang-aasar ni Martinez. Inirapan ko si Basty. "Bakit ba lagi mong kinukuha ang pagkain ko? Hindi ka na lang bumili." Nakangising siya habang nginunguya yung sandwich. Mapang-asar talaga. Wala kaming klase sa last subject namin kaya niyaya ako nila Martinez at Madison na kumain sa labas, pero tinanggihan ko. May titignan kasi ako sa library para makapag review sa darating na long test namin sa English communication sa makalawa. I need to review dahil walang pumapasok sa utak ko at baka ma-zero ako at hindi pwede 'yon. Pumunta ako ng library. Kaunting lang taong naroon. Pumunta ako sa section ng mga books na kailangan ko at kumuha ng libro. Nang mahanap ko ang librong kailangan ay umupo ako sa isang double chair. Magkatapat ang dalawang upuan at nasa gitna ang table. 12:30 PM palang naman at dahil kumain na ko ng tanggahian kaya mamaya na ko lalabas rito sa library. Iyon lang ang ginawa ako. Nag-review para hindi ma-zero sa long test. Hindi ko namalayan ang oras. It's already 1:45 PM. "Isang oras mahigit na kong nag-babasa," Mahinang sambit ko. Nang sa tingin ko ay na-review ko na lahat ng dapat i-review ay tumayo na ko para ibalik ang mga librong kinuha ko ng makita ko si Basty. He's wearing a black denim pants and a white long sleeve. Naka-unbutton yung dalawang bonotes ng long sleeve niya. Ngumiti siya ng makita ako. Gwapo naman talaga si Basty. He's a masculine and very attractive man. Lalo na pag ngumingiti siya, dahil makikita mo yung malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Hindi ko napansin na naka-lapit na pala siya. "Bakit mo ba ko hinahanap?" Mahinang tanong ko. "Merienda tayo. Kanina pa ako nagugutom eh. Libre ko." Nakangiting aniya. "Edi, kumain kang mag-isa." Sabi ko at pumunta sa shelf para ibalik yung libro. "Gusto kong kasama kita!" Naglalambing sambit niya sa akin. Nang humarap ako sa kanya ay malungkot ang mukha niya. Para siyang batang inaway ng kalaro. "Merienda tayo," He pouted. "Bahala ka, kukulitin kita hanggang sa pumayag ka!" I crossed my arms. "See? Kahit hindi ako pumayag, gagawa at gagawa ka ng paraan para lang mapa-payag ako." Kung kanina ay malungkot ang mukha, ngayon naman ay nakangiti siya ng nakakaloko. "Kaya nga pumayag kana para hindi na kita kulitin." Nakangiting sabi niya. "Merienda tayo, Crystal!" Napa-lakas ang boses niya. "Shh! Wag kang maingay!" Saway ko sa kanya. "Pumayag kana kasing mag-merienda tayo!" "Oo na!" Pagsuko ko. "Yehey!" Mabilis niyang kinuha ang bag ko at hinawakan ako sa kamay tsaka hinila papalabas ng library. Parang huminto ang paligid habang hawak niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa lingkod niya habang hila-hila niya ko. Weird. This is really weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD