CHAPTER 6

1063 Words
Nang nakarating kami sa labas ng St.Willford ay mabilis kong binawi ang kamay ko sa pagkaka-hawak niya. "Bakit ka ba ng hihila? Nagmamadali ka ba?" Tanong ko. "Paano kung sabihin kong oo?" Nakangisi siya. Pumunta siya sa motor na nasa harapan namin at kinuha yung isang helmet. "Oh, suotin mo." Inabot niya sakin yung helmet. Kinuha ko naman iyon at sinuot. "Marunong kang mag-motor?" Tanong ko. "Malamang! Dadalhin ko ba 'to dito kung hindi ako marunong." Pilosopong sambit niya. "Isa pang pamimilosopo mo sa'kin, iiwan kita dito!" Inirapan ko siya. "Sorry naman." Nag-peace sign siya sa'kin. Sumakay na siya ng motor at tinap ang likod ng sasakyan. "Sakay ka na." Sinukbit ko muna ang bag ko bago ako sumakay sa likod. "Mag dahan-dahan ka sa pagmamaneho," Sabi ko. "Wag kang mag-alala, safe ka sa 'kin." Aniya at kinuha ang dalawang kamay ko. For the second time, parang huminto na naman ang paligid ko ng ipulupot niya ang mga kamay ko sa bewang niya. "Kapit kang mabuti!" Pagkatapos no'n ay pinandar na niya ang motor. Hindi ako makagalaw. My heart is beating so fast. Sa sobrang lakas no'n feeling ko naririnig na niya ang pintig ng puso ko. For the first time in life, I feel mad, annoyed, nervous, scared and secure at the same time. Tuwing kasama ko si Basty, laging ganyan ang nararamdaman ko. Naghahalo-halo lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman. I feel mad and annoyed because he keeps annoying me but at the same time he makes me feel scared and nervous when he's with me. Takot dahil, iba itong nararamdaman ko tuwing andiyan siya. Secure and safe, because even though he keeps annoying me he does not let anything bad happen to me. Namalayan ko nalang na huminto ang motor sa isang street food. Mabilis akong bumaba sa motor niya at tinanggal ang helmet. "Dito tayo kakain?" Tanong ko habang inaayos ang nagulo kong buhok. Tinanggal rin niya ang helmet niya at nilagay iyon sa ibabaw ng motor. "Oo, ayaw mo?" Mabilis akong umiling. "Hindi, ah! Namiss kong kumain sa street food." Ani ko. "Ayos! Tara na. Kumain ka lang dahil libre ko yan." Nakangiting sambit niya. Pumunta na kami sa street food. Kumuha ako ng kwek-kwek at nilagay iyon sa plastic cup. "Huwag yang suka ang gawin mong sauce ng kwek-kwek." Kinuha niya ang plastic cup ko at nilagyan niya yun ng sauce ng fishball. Napakunoot ang noo ko. "Bakit iyan? Diba suka ang sawsawan ng kwek-kwek?" Takang tanong ko. "Mas masarap ang sawsawan ng fishball sa kwek-kwek," Binigay niya sa 'kin yung plastic cup. "Try mo." Kumuha ako ng stick at tumusok ng isang kwek-kwek tsaka ko iyon sinubo. Napangiti ako ng malasahang masarap nga! Tumingin ako kay Basty na nakatingin rin sa'kin. "Masarap diba?" Nakangiting sambit niya at kinain ang kikiam niya. Sunod-sunod akong tumango sa kanya ng nakangiti at sumubo pa ng isang kwek-kwek. Naubos ko ang nasa plastic cup, kaya kumuha ulit ako ng limang kwek-kwek. Libra naman niya ito, kaya okay lang kumuha ng marami. "Oh, try mo 'to." Nag-taas ako ng tingin Kay Basty. "Masarap 'tong Calamares." Aniya at ina-angat ang nakatusok na Calamares sa akin. Mabilis kong sinubo 'yon. "Masarap nga!" Masayang sambit ko. "Oh, sayo na 'to." Aniya at pinag-palit niya ang kinakain namin. Napunta sa kanya yung kwek-kwek at sa akin yung Calamares. "Kuya, dalawang gulaman po." Sabi niya sa nagtitinda at tumusok ng isang kwek-kwek. "Bakit ba lagi mong pinag papalit ang pagkain natin?" Tanong ko. "Wala lang." Nakangisi na naman siya at inabot sa akin ang gulaman. "Oh, inom ka muna." Napanguso ako at uminom ng gulaman. "Tapos kana?" Tanong niya maya-maya. Inulok ko muna yung kinakain ko. "Oo, bakit?" "May pupuntahan pa tayo." I take a glance at my wrist watch. "2:20 PM na. Mamaya malayo yan at malate ako sa trabaho ko." "Hindi malayo ang pupuntahan natin. Tsaka, ihahatid na lang kita sa store mamaya." "Sure ka ah? Pag ako nalate, yare ka sa'kin!" Kinurot niya ng mahina yung kaliwang pisngi ko. "Opo!" Tinabig ko ang kamay niya. "Lagi mong kinukurot yung pisngi ko!" "Ang cute mo kasi!" Aniya at pumunta sa motor niya. Sumunod ako sa kanya at sumakay na sa likod niya. Umandar ang motor at wala pang 30 minutes ng huminto kami sa isang malaking farm. May gate doon at may malaking nakasulat na 'Herrera's Farm' sa taas ng gate. Tinanggal ko ang helmet na suot ko at tumingin kay Basty. Ngumiti siya sa 'kin at sinenyasan akong pumasok sa loob. Pumasok kami sa loob. May guard na sumalubong sa amin. "Sir, magandang hapon po!" Bati kay Basty ng isang matandang lalaki. Ngumiti si Basty sa guard. "Magandang hapon rin po, Mang Arnel." Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng farm ay mas lalo akong namangha. Sobrang laki ng farm nila. "Sa inyo lahat ito?" Tanong ko. Tumango-tango siya at pumunta sa mango tree. "Oo, farm namin ang supplier ng mga palengke rito sa isla pati na rin sa pag e-export sa Manila." "Mayaman ka pala!" Sabi ko. "Magulang ko ang mayaman, hindi ako." Napatingin ako sa kanya. "Eh, bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko. Tumingin siya sa 'kin. Nailang tuloy ako sa uri ng tingin niya. "Doctor ang gusto kong kunin na course at hindi agriculture," pagsisimula siya. "Pero dahil nag-iisang anak lang ako, no choice ako dahil sa ayaw at sa gusto ko, ako pa rin ang mag papa-takbo nitong farm namin." For the first time, I saw the sadness in his eyes. Hindi yung nalulungkot-lungkutan lang siya. "But you're happy with your decision, right?" I asked him. Nagkibit-balikat siya. "Syempre, ayokong ma-disappoint sila mama at papa sa 'kin. Pero natatakot ako na baka hindi ko ma-patakbo ng maayos itong farm." "I know someday you'll be great. Mapa-patakbo mo ng maayos itong farm niyo, kasi alam kong magaling ka." Nakangiting sambit ko sa kanya. "Talaga maniniwala kang mapapa-takbo ko ang farm ng maayos? Eh, sabi mo nga makulit ako." Ngumuso siya. Natawa ako. "Eh, kasi lagi mo kong kinukulit!" Paiba-iba talaga ang mood ng lalaking 'to. "Paano kung kita kukulitin, hindi mo ko papansin." "Itry mo kaya munang wag akong kulitin para malaman mo." Ani ko. Ngumisi siya. "Ayoko!" "Ewan ko sayo." Pabiro ko siyang inirapan. "Hatid mo na ko store baka malate pa ko!" Ngumiti siya ulit kaya nakita ko na naman ang dimple niya. "Yes, ma'am!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD