Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay sa sala ng bahay. Ang alam ko ngayon lumipat ang magiging kasama ko sa bahay. Wala akong pasok tuwing Tuesday, kaya hapon na ko kung magising dahil pagod ako sa trabaho kagabi. Ang dami kasing tao sa store, kaya buong maghapon rin akong nakatayo sa counter.
Umupo ako sa kama ko at naghanda na. Gusto ko pa sana na matulog, kaso nagising na ang diwa ko dahil sa ingay sa sala.
Nag unat-unat ako bago tumayo at inayos ang aking kama. Tumingin ako sa salamin, para paglabas ko sa kwarto ay maayos naman ang itsura ko.
Tinali ko ang buhok ko in a messy bun. At kumuha ng grey t-shirts sa drawer ko at nagpalit ng damit dahil naka-sando lang ako kung matulog.
Nang maayos na ang sarili ko ay lumabas na ko sa kwarto at nakita ko sa sala si Lola Sonya.
"Snow, gising na pala." Aniya. "Pasensya ka na makalat. Alam mo namang nandito na ang makakasama mo sa bahay." Dugtong niya.
May dalawang kahon na malaki na nasa palag. Bukas rin ang pinto ng katabi kong kwarto.
"Okay lang po," Sabi ko at pumunta sa veranda para kunin ang sinampay kong damit kagabi.
"Lola, paabot po ng walis ng maayos ko na yung mga gamit ko dito sa kwarto!" Sigaw ng kung sino ang nasa loob ng kwarto.
"Heto, Basty." Sagot ni Lola Sonya.
Natigilan ako. Habang hawak ang damit ko ay pumunta ako sa kabilang kwarto.
Doon nakita ko si Basty na nagwawalis. Pawis na pawis siya dahil kitang-kita iyon sa suot niyang puting T-shirt.
Ngumiti siya ng makita ako. "Good afternoon, Crystal!" Bati niya.
"Ikaw ang titira dito?" Gulat na tanong ko.
"Oo, bakit? Bawal ba?" Inosenteng tanong niya.
Tumingin ako kay Lola Sonya. "Lola, sabi niyo po babae ang makakasama ko?"
Nakapa-kamot sa ulo si Lola. "Pinaki-usapan kasi ako nitong ni Basty na kung pwede rito muna siya dahil mas malapit sa school niya. Sayang daw kasi sa pamasahe." Paliwanag niya.
Nalukot ang mukha ko. "Lola, lalaki po siya at babae ako! Hindi pwedeng magkasama tumira ang babae at lalaki sa iisang bahay!" Maktol ko.
"Crystal, ang sama mo sa akin ah! Wala naman akong masamang balak na gawin sayo. Baka ikaw pa nga ang mang-haraas sakin eh!" Singit ni Basty.
Inirapan ko siya. "Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko.
"Snow, mabait na bata si Basty. Matagal ko ng kilala ang mga magulang ni Basty, kaya alam kong safe ka kahit siya ang kasama mo dito sa bahay." Ani Lola Sonya. "Sige, aalis na ko dahil magluluto pa ko ng tanghalian ng apo ko. Basty, ikaw ng bahala rito."
Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi pwedeng magkasama kami ni Basty, dahil nag-iiba ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya.
Ngayon na pati sa bahay makikita ko siya, baka mas lalong mag-iiba itong nararamdaman ko.
Tumingin ako kay Basty na ngayon ay inaayos ang mga gamit niya. "Stalker kita, no?"
Nag-angat siya sa'kin ng tingin. "Ikaw ang nag-isip niyan hindi ako." Sabi niya at pinag patuloy ang ginawa.
"Bakit ba dito? Ang dami-daming bakanteng bahay sa iba?"
"Ang kulit mo," Aniya at tumayo. "Mas malapit sa school kaya dito ko napag-pasyahang lumipat."
Sumama lalo ang mukha ko. "Ang dami—"
"Nagugutom na ako, Crystal." Putol niya sa'kin. "May makakain ba dito?" Tanong niya at lumabas ng kwarto.
Sinundan ko siya sa kusina. "Huwag mong pakialaman ang mga pagkain ko diyan!" Sita ko.
He closed the refrigerator. "Wala namang makain dito sa ref mo. Puro easy to cook and meron ka, paano ka mabubusog diyan?" Aniya.
"Eh, Hindi ako marunong mag-luto!"
He crossed his arms around his chest. "Ayan ang mahirap pag-lumalaki kang mayaman. Paano ka tatagal dito sa isla kung hindi ka marunong mag-luto?" Sermon niya.
Sinimangutan ko siya. "Eh, diba ikaw mayaman rin naman kayo." Pagdadahilan ko.
"Kahit mayaman kami, lumaki ako sa islang 'to kaya alam ko ang mga gawaing bahay at iba pa." Aniya at pumunta sa lamesa sa sala.
Ang daming niyang sinasabi eh, nabuhay naman ako ng tatlong linggo na puro easy to cook ang kinakain ko. Hindi na lang ako makikipag-away sa kanya.
Merong mga prutas, gulay at ibang pang sangkap para makapag-luto ka ang nakalagay sa lamesa Umupo siya sa upuan at nag-simula ng balatan ang sibuyas.
"Ilagay mo sa ref itong mga prutas, gulay at karne." Utos siya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nilagay sa chiller yung mga baboy. After no'n, bumalik ako sa sala para umupo sa katapat niyang upuan.
Busy siya sa paghihiwa ng bawang. "Anong lu-lutuin mo?" Tanong ko.
"Ang the best na recipe ni mama," Aniya. "Ginataang baboy."
Hindi ko siya inabala pa sa ginagawa niya dahil mukha namang seryoso siyang masarap siyang mag-luto.
Pumunta ako ng kwarto ko at kumuha ng damit. Maliligo na lang ako para presko pag kumain ako.
Pag-labas ko nasa kusina na si Basty at naamoy kong nag sa-sangkutsa na siya ng sibuyas at bawang. Pumunta ako ng banyo at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay bamalik ako ng kwarto para ibalik ang towel na ginamit ko at para mag-blower ng buhok ko.
12:30 PM na at naamoy ko ang niluluto ni Basty. Lumabas ako ng kwarto para puntahan siya sa kusina.
"Tapos kana?" Tanong ko.
"Mga 2 minutes nalang," Kumuha siya ng spoon at kumuha ng kaunting sabaw ng niluluto niya at inabot sa'kin. " Oh, tikman mo kung okay na."
Tinikman ko naman kagaya ng sinabi niya. "Masarap!" Nakangiti ako ng tumingin sa kanya.
Ngumiti rin siya. "See? Maganda kung nandito ako kasama mo, para nakakain ka ng lutong bahay at hindi puro easy to cook. Walang sustansya ang mga iyon!" Sermon niya.
Inirapan ko siya. "Oo, na! Ikaw ng magaling sa lahat!"
"Umupo kana sa lamesa at ihahanda ko na ang pagkain natin." Utos na naman niya.
Sinunod ko ang utos niya. Pumunta ako sa sala at umupo sa lamesa. Iisa lang kasi ang sala at dining room dahil maliit lang ang bahay. Tapos sa gilid ay nandoon ang kusina, sliding door ang naghihiwalay sa dalawa.
Nilagay ni Basty iyong Ginataang Baboy at dalawang plato na may fork and spoon sa lamesa.
Lihim akong napangiti. Kahit na malakas mang-trip si Basty ay mabait siya. Hindi siya gagawa ng mga bagay na ikaka-sama ng loob ko.
Nag-sandok ako ng kanina at naglagay ng ulam doon. Nagsimula akong kumain. Sobrang sarap ng luto niya kaya napadami ang kain ko.
"Ang sarap mong mag-luto," Sabi ko. "Ngayon lang ulit ako nakatikim ng lutong bahay." Hawak-hawak ko ang tiyan ko.
Tapos na rin siyang kumain. "Wag kang mag-alala, since na nandito na ko araw-araw masarap ang ulam natin." Nakangiti siya ng sabihin iyon.
"Wag mo akong i-spoil, dahil baka masanay ako." Biro ko.
Tinignan niya ako ng seryoso. "Edi, ma-spoil ka sa akin para maganda. Wala naman akong balak itigil 'to."
Nailang na naman ako sa uri ng tingin niya sa'kin. Bakit kasi kung makatingin sa'kin, akala mo kakainin niya ko ng buhay?
"Tse! Nagbibiro lang ako, sinakyan mo naman." Sumimangot ako sa kanya, para hindi mahalata na bigla akong nailang.
"Sino ang nagsabi na nagbibiro ako?" Seryoso pa rin ang siya.
Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Para siyang may gustong sabihin sa'kin. I can tell that by looking at his dark brown eyes.
Napaiwas lang ako ng tingin sa kanya ng tumunog ang phone ko. Tumayo ako at pumunta ng kwarto ko para tingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello, Dad," I said on the phone. "Napatawag po kayo?"
"I heard that Aaron was there? Are you okay?" Tanong ni Dad.
"Yes, Dad I'm okay."
"Good! Nandyan pa ba siya? Gusto mo bang magpadala pa ko dyan ng bodyguard mo para hindi na siya makalapit pa sayo?"
Napangiti ako sa pagiging protective ni Daddy. "No need na po, Dad. Hindi na rin naman po siya tuma-tawag sa 'kin ulit."
"Mabuti iyon. Sana magpatuloy na siyang wag kang guluhin diyan!" Ani Dad sa kabilang linya. "I'll hang up na, may meeting pa ako sa mga new investor natin. Ingat ka diyan!"
"Kayo rin po ni kuya, Dad." Sabi ko at pinababa na ang tawag.
Nilagay ko ulit ang cellphone ko sa night stand table katabi ng kama ko bago ako lumabas ng kwarto.
Nakita ko si Basty na nakaupo sa sofa habang nakabukas ang TV. Iba na rin ang suot niyang t-shirt, pero ganun parin ang suot niyang short.
"Daddy mo?" Tanong niya.
Umupo ako sa tabi niya. "Oo, nalaman niyang sinundan ako ni Aaron dito sa isla."
"Anong sabi?"
Tinaas ko ang mga paa ko sa sofa at humarap sa kanya tsaka nag-indian sit. "Gusto niyang padalhan ako ng bodyguard dito." Natawa ako ng maalala ang sinabi ni Dad. "Ang protective masyado ni Dad."
Ginaya niya ang position ko. "Hindi mo na kailangan ng bodyguard kasi ako ng bahala sa ex mo," Aniya. "Tsaka bakit mo naman kasi pinatulan yang Aaron na 'yan?"
Kinuha ko ang pillowcase sa sofa. "I had a crush on him since I was in grade 11 in high school," Pagsisimula ko. "Tapos noong nagkaroon ng JS prom sa school, niyaya niya kong maging partner niya syempre since crush ko siya pumayag ako. Do'n nag-simula, nagpakilala siya sa Daddy at kuya ko tapos nag-paalam siyang liligawan ako. Pumayag sila Daddy at kuya since maayos naman ang pakikitungo niya sa family ko. Halos isang taon rin siyang nanligaw sa'kin, sinagot ko siya ng mag-debut ako kasi saktong college na rin kami no'n."
"Bakit siya nag-loko sayo kung mabait naman pala siya?" Tanong niya.
I took a deep sigh before I answered him. "Because I didn't give him what he wanted," Mahinang sambit ko. "He wants to have s*x with me. One year na kami no'n, pero syempre tinanggihan ko ang gusto niya, ang bata pa namin no'n."
Nakita kong may dumaang galit sa mga mata ni Basty pero nawala rin agad iyon.
"Tapos iyon, doon na siya magsimulang mag-loko. Gusto kong makipag-break sa kanya kasi paulit-ulit niyang inaalok sa akin mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya hanggang sa nakita kong siyang nakiki-paghalikan sa isang babae sa club. Iyon ang naging sign ko para hiwalayan siya. Wala pang two-months ng sinabi niyang gusto niyang makipag-balikan sa akin, sabi niya hindi niya uulitin yung mga pagkakamali niya at magbabago, pero after one year nang magkabalikan kami when I saw him having s*x with my friends in his room."
"Mahal mo pa ba siya?" Seryosong tanong niya.
"Halos tatlong taon ang relasyon namin ni Aaron at wala pang one-month ng maghiwalay kami, kaya hindi ko masabi ngayon kung naka move-on na ba ako o mahal ko pa ba siya dahil hindi naman madaling mawala ang pagmamahal." Sagot ko.
"Mahal mo pa siya," Aniya. "I can tell."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil iba ang aura ng mukha niya. I can see in his eyes that he's sad and angry but I don't know why.
"Pero wag kang mag-alala sa ex mo. Hindi na siya na makakalapit sayo. Hindi mo na kailangan ng bodyguard ng Daddy mo, dahil ako ng bahala sa ex mo."
Tumingin ako sa kanya. Wala na yung lungkot at galit sa mga mata niya.
"Talaga?" Pang-hahamon ko sa kanya.
Tumango-tango siya. "Oo, no! Kaya kitang protektahan sa ex mo. Hindi ako papayag na may manakit sayong iba at lalong hindi ako papayag na makipagbalikan ka ng ex mo pagkatapos ng ginawa niya sayo." Serysong sambit niya. "Maliligo lang ako, Crystal." Dugtong niya.
Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Tumango ako at pumasok na siya sa kwarto niya. Niyakap ko ang pillowcase at hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Parang akong tanga dito na kinilig dahil sa sinabi ni Basty. Simple lang ang pagkaka-sabi niya, pero grabe ang impact no'n sa akin. Feeling ko ang pula-pula ng mukha ko ngayon.
Bago pa niya ko mahuling kinikilig dito sa sofa ay pumasok na ko sa kwarto ko at tinawagan si Mads.
"Oh, na patawag ka Snow." Sagot niya sa kabilang linya.
"Eh, kasi si Basty. . ."
"Bakit naka first base na ba si Sebastian?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. "Anong first base?" Takang tanong ko.
"Mali ka ng pagkaka-rinig, Snow," Bawi niya. "Base, kasi nag-iisip ng malalaro ang mga kapatid ko at si Martinez sabi ko agawan base nalang ang laruin nila. Ano ba yung sasabihin mo?"
I bit my lower lip. "Si Basty, paiba-iba talaga ang mood niya 'no? Minsan malakas mang-asar, minsan makulit tapos minsan parang hindi mo makausap kasi seryoso."
"Ganun talaga iyon, pero kahit anong mood ang ipakita niya sayo seryoso yan sayo." Aniya na pinagtaka ko na naman. "I mean, seryoso yon pag-seryoso ang kausap niya."
Tumango-tango ako. "Sige na, may trabaho pa ko." Paalam ko at pinatay ang tawag.