"Snow, kinakabahan ako!" nakatingin ako kay Mads na natataranta. "Huwag kang kabahan. This is your day, you should be happy." I cheer her up. Ngayon na ang kasal nila ni Martinez. Ilang oras na lang ay magiging Mrs. Bautista na siya. Napatingin kami sa pinto nang pumasok ang wedding coordinator. "Maid of honor, pila na po kayo sa labas ng church," sabi nito bago tumingin kay Mads. "be ready, bride. The wedding will start in 3 minutes." "Pwede bang time-first muna?" she pouted while holding my hand. Natawa ako sa kanya. "Ano ka ba? Huwag kang kabahan. Mauna na ako, ah?" Nakanguso siyang tumango. "Okay. See you later, Snow!" "Congrats ulit!" masayang sambit ko bago lumabas ng make up room niya. Bumaba ako at pumila na dahil magsa-start na ang wedding. Nasa loob na si Basty kasama si

